Fire 🔸 2

13.7K 1K 169
                                    

Alessia's POV

"WALA akong oras sa ganitong usapan, Stefano." Saad ko at mabilis akong tumayo at kinuha ang mga libro para ibalik iyon sa shelves.

Naramdam ko ang init sa aking pisnge dahil pakiramdam ko ay nahihiya ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Mabilis akong lumayo sa lamesa ngunit agad naman sumunod sa akin si Stefano, tila ayaw niyang magpapigil.

"Kailan ka pa magkaka-oras? Hindi ko talaga alam kung ano ang pumipigil sa iyo. You just have to go with the flow. Ang buhay kasi, parang baha lang yan, kung sasalungatin mo mas mahihirapan ka. Kaya sabayan mo na lang ito sa agos, enjoy the flood instead, there might be some debris but at least, you won't be hurt badly." Saad niya sa akin na nakasunod pa rin. He's really insisting that I should do it with Elijah. We already cheated, hindi niya lang alam at wala akong balak ipaalam iyon kanino man. Ano ba ang nakakatuwa sa pagtataksil? Hindi yun nakakproud.

"Tama ka nga, ang buhay ay parang baha, pag-inenjoy mo, magkaka-leptospirosis ka." Sagot ko sa kanya at alam ko na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nun.

"Lepto—ano?"

"Sakit yun sa balat na nakukuha sa baha."  Tugon ko sa kanya at isinaksak ko na ang libro sa lalagyan nito.

"Alam mo iyon?"

"Manggagamot ako."

"Pero bakit ngayon ko lang narinig ang tungkol doon?"

"Bakit, sumuong ka na ba sa baha?"

"Hindi pa."

"Kaya hindi mo alam, kasi hindi ka pa nagkakaroon nun." Sagot ko sa kanya tsaka umalis na ako sa mga shelves at bumalik na sa lamesa dahil alam ko na hindi ito titigil sa kakadaldal. Mas lalong ayoko naman na mag-uusap kami sa labas kung saan ay marami ang makakarinig.

Umupo kami ni Stefano at ngayon ay magkaharap na kami. His face is contorted with confusion.

"Enough with that. Bakit ba sakit ang pinag-uusapan natin. Alam ko na nagtatampo ka dahil hindi ka pinapasama ng kamahalan na pumunta sa Eleftheria, pero sana ay maintindihan mo iyon." Lihis niya ng usapan at bumalik ito ngayon sa usapang pagtatampo ko kanina.

Umiling naman ako. "Aaminin ko, nagtatampo ako kanina pero hindi na ngayon. Naiintidihan ko kung bakit hindi niyo ako isasama." Sagot ko sa kanya at totoo na iyon sa kalooban ko. Walang halong pagkukunwari.

Tumaas naman ang kilay ni Stefano. "Kanina lang nilayasan mo kami dahil hindi ka isasama, tapos ngayon biglang tanggap mo na."

"Naisip ko kasi na delikado doon. Mas mahal ko buhay ko kaysa sa buhay niyo kaya naging maayos na ako." Sagot ko sa kanya na may halong biro.

Ngumisi naman si Stefano sa akin. "Ayos at alam mo na mas mahal nga ang buhay mo. Mas mahal ka naman talaga ng kamahalan." Saad niya na naging dahilan para maging mapula ang mga pisnge ko.

Inirapan ko naman ito. "Pwede ba na wag natin pag-usapan iyan?" Pigil ko sa kanya dahil ngumingiti na naman ito na parang timang.

"Oo na, titigil na. Pero wag ka ng magtampo dahil hindi na naman mapapakali ang mahal na hari." Saad niya sa akin na pumormal na ngayon ang kanyang ekspresyon. Ang lalaking ito, kay bilis magpalit ng ekspresyon.

"Sinabi ko na diba?" Mahinahong sagot ko sa kanya at ngumisi na naman ito ulit.

"Suyuin mo." Utos niya na halos ikasangko na ng kilay ko sa kisame sa pagkakataas ko.

"At bakit ko naman gagawin iyon?" Naging mataray ang boses ko dahil doon. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ko susuyuin si Elijah.

"Dahil may ginawa kang mali. Mali na nagtatampo ka na para din naman sa kaligtasan mo ang iniisip ng hari." Mahinahon na saad niya at hindi na ulit ito nakangisi.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now