Fire 🔸 42

9.3K 878 154
                                    

Third Person's POV

ANG ulan na inaasahan ni Honey ay hindi dumating. Sa halip ay mga maiitim na bagay ang unti-unting bumababa. Nagdadala ng panganib at sakuna.

"Umalis na kayo dito! Parating na ang mga demons!" Sigaw ng mga sentinels at napalingon na lamang siya sa kagubatan ng biglang nagsiliparan ang mga ibon doon na tila nagimbala sa malaking kumosyon.

Mabilis na tumakbo si Honey pabalik sa kanyang tahanan na nangangamba para sa kanilang kaligtasan. Binuksan na niya ang pintuan patungo sa taguan at bumasag sa kanyang pandinig ang nakakahilakbot na tunog ng isang halimaw.

Ngunit hindi siya nagpatinag doon. Mabilis siya na pumasok sa loob at isinarado ang pintuan at may tarankahan ito sa loob. Nakita niya ang kanyang kapatid na nakasiksik sa isang sulok na namumutla dahil narinig din nito ang alulong ng halimaw.

"A-ate..." bulong lamang iyon ngunit nababakas sa boses nito ang takot.

"Huwag kang natakot, poprotektahan kita." Saad ni Honey at niyakap niya ang kanyang kapatid na nanginginig sa takot ang katawan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na inatake ang bayan ng Samona ng mga demons. Lahat ay nababalot ng takot at walang kasiguraduhan na mabuhay.

Habang sa labas naman ay nagkagulo ang mga sentinels dahil sa pagdating ng mga demons na ngayon lang nila nakita. Para itong mga imortal ngunit may mga pakpak at sunog ang katawan. The demonic energy is reeking from their body that sent shivers to every being standing near them.

Ang kanilang mga mata na mapupula na tila papatay ano man sandali.

"Parating na ang hari, huwag natin hayaan na makapaminsala ang mga demon ng mas malaki pa!" Saad ng heneral nang digmaan na si Antonino Galaden Ambrosias. "Protektahan ang bayan ng Samona!"

"Oo!" Sigaw ng mga sentinels at inihanda na nila ang kanilang mga kalasag para salubungin ang mga demons.

The war is about to begin, and the dark lord is about to rise again.

•••

Alessia's POV

NAKASAKAY kami sa Armageddon papuntang Samona. Ngunit karamihan ng mga serbidora ay inihatid ng sasakyang himpapawid ng Waldorf patungong Valencia.

Gusto din ni Elijah na doon ako sumakay ngunit hindi ako pumayag. Ang buong isipan ko ay ukupado nina Honey at Falix kung ayos lang ba sila. Kung may nangyari bang masama sa kanila.

Ito ang ikinatatakot ko sa mundong ito, walang babala ang mga pag-atake at wala man lang senyales. Malalaman mo na lang, kung kailan nangyari na ang atake.

"Hindi ko akalain na aatake sila. Wala man lang babala o senyales na naganap." Bigkas ni Stefano na bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

Hindi ko magawang ngumiti dahil punong puno ang puso ko ng pangamba sa kung anong mangyari kina Honey.

"Kagaya din ito noon nakaraan. Walang babala na umatake ang mga halimaw sa Avalone." Tugon ko sa kanya. Hindi ko alam kung may senyales ba o wala o talagang hindi lang namin iyon napansin. Ngunit mas nakakatakot ang mga pangyayari na wala kaming kaalam alam sa mga paparating.

"Walang kaaway na nagsasabing aatake sila, Ales. They will always drop a surprise attack." Turan naman ni Elijah na ngayon ay nakatingin sa destinasyon namin patungong Samona kahit hindi pa ito abot ng aming paningin. "I'll make the trip short. Better to grab something that will support you from any force that will throw you out." Babala nito sa amin at ramdam ko ang distansya niya. Alam ko na hindi maganda ang mga mangyayari, this unsettling feeling is pricking my skin.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now