Fire 🔸 41

13.9K 998 239
                                    

Alessia's POV

HINDI ko na nagawang magsalita pagkatapos ng nabitawan kong salita. Pumasok na sa usapan sina Stefano kaya hindi na iyon nabigyan ng kasagutan. Hindi ko na rin iyon ipinagpilitan pa dahil alam kong walang katutoran kung ipipilit pa iyon. Ang importante sa ngayon ay nasa amin na ang relikya. Ngunit hindi ko maiwasan na magtanim ng sama ng loob kay Sudanni o Erigor.

Lahat ay naging masaya, maliban sa akin na tahimik lang at hindi nakisali sa kasiyahan. Alam ko na napapansin iyon ni Elijah ngunit hindi niya ako kinausap at hinayaan niya muna akong manahimik. Mas mabuti na rin ang ganito dahil ayokong sa kanya ko maibunton ang hindi ko mailabas na sama ng loob at galit.

Napagpasyahan din ni Sudanni na sumama sa nalalabi namin misyon, ang pagpunta sa Mythion. Noon una ay hindi makapaniwala sina Elijah, ngunit pumayag naman sila. Hindi ibinigay ni Sudanni ang kanyang dahilan ng pagsama at kahit gusto kong nalaman iyon, hindi na ako nag-abala pang magtanong. Kung gusto niyang ipaalam, sasabihin naman ni Sudanni kahit walang nagtatanong.

Agad na naglakbay kami palabas ng Callora Grande. Hindi ko alam na may daan pala palabas na hindi na kailangan tumalon o tumawid ng bangin. There is a concealed path that was opened. Sudanni was responsible from opening it. Hindi ko alintana ang dungis ko dahil hindi naman iyon problema sa iba. Parang mas big deal sa kanila na isa akong babae. Ngunit ang mga sentinels na may alam na ay wala lang iyon sa kanila.

Nakabalik na kami ng natiwasay sa Genovia at sa wakas ay nakapaglinis na ako ng katawan ko. Ang kaibahan lang ngayon, imbes na panlalake ang kasuotan ko, naging pambabae na ngayon. Hindi na iyon itinago pa ni Elijah kaya umaani ako ng masasamang tingin mula kay Aphrodite. Hindi ko nakalimutan ang pagdating namin dito ay sinalubong kami ni Aphrodite at inanunsyo ni Elijah na isa akong babae. The shock on her face was indescribable.

Ngunit hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil hinahabol pa rin ako ng pakiramdam na napasailalim ako sa manipulasyon ni Sudanni. Ganito ba ang pakiramdam na naloko ka, at hindi ka man lang nakatanggap ng sorry o nakaganti man lang? I know sorry won't fix everything, but it feels like, what happened is nothing to them. I feel like something was taken from me and I want it back. Pakiramdam ko ay nalugi ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Especially Elijah who doesn't mind about it or choosing not to notice at all. Ngunit paano ko naman sila masisisi? They didn't know what happened in Red Spider Haven. Kaya pinili ko na lang ang pananahimik ko at magpanggap na maayos lamang ako. Ayokong gumawa ng bagay na makakapagpagulo lamang sa kanila.

"B-binibining Alessia..." tawag sa akin ni Estrebelle. Hindi ko makalimutan kung paano siya nagulat nang malaman niya na isa akong babae. Ngunit hindi ko nakita sa kanyang mga mata ang pagkasuklam. She was always the neutral type of person. Tinanggap niya iyon na parang isang natural na bagay lamang.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo sa harap ng salamin. Maayos na maayos ang aking nakalugay na buhok at may kaunting palamuti sa ulo ko. They are like diamonds studded on my hair. Estrebelle put some light make up on me kahit ayoko sana ngunit iyon daw ang nararapat.

I look so different from the usual Alessia. I was like a caterpillar morphed into a butterfly. And I guess, this will be the first time that Elijah will saw me wearing a woman's clothing. I wonder how will he take it from her.

"Kakain na po kayo sa hapag." Saad niya sa akin at yumukod.

Tumango naman ako at tumayo. Ito ang huling araw namin sa Waldorf at lilipad kami patungo sa Mythion. Alam ko na sobrang bilis ng mga pangyayari ngunit ito ang gusto ni Elijah. We are able to get the relics in just a matter of one month.

Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng manipis na kimono na naladlad ang balikat. Kulay pinaghalong ginto at puti ang kasuotan ko. Hindi ko alam kung tamang kasuotan ba ito sa isang tulad ko. Ngunit ito ang ibinigay sa akin ni Estrebelle. Kay Elijah daw ito galing at hindi ko alam kung bakit siya nagdadala ng pambabaeng damit.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now