Fire 🔸 24

10.5K 882 132
                                    

Alessia's POV

KAPWA hiningal kaming dalawa ni Elijah. Nakatitig siya sa aking mukha, habang ako naman ay gusto kong balutin ang buo kong pagkatao. Kinakabahan ako, nabibilisan ako sa pangyayari pero wala akong lakas ng loob na umatras pa. Parang sinasabi ng katawan ko na gawin ko ito, na ito ang tamang gawin sa pagkakataon na ito.

Yumuko si Elijah at hinalikan niya ang talukap ng aking mga mata ng dahan dahan. Dumako iyon sa aking ilong, sa magpabilang pisnge ko at pinatakan niya ako ng mabining halik sa mga labi.

Agad niya akong niyakap at bumalot sa aking hubad na katawan ang init na nagmumula sa kanya. Bumaok ang kanyang mukha sa aking leeg na ikinatindig ng mga balahibo ko.

"I'm sorry if I gone too far. I love you...even I wanted to do it with you so badly, I will not. I wanted to take things slowly between us. I don't want us to be just physical, but I want us to be linked first with our souls." Saad niya sa akin at hindi ako mapakagsalita kaya tumango na lamang ako. Kahit nahihiwagaan ako sa mga sinabi niya ay hindi na ako nagtanong pa.

Lumayo siya ng kaunti sa akin at dahan dahan niyang inayos ang aking roba, upang maisuot iyon sa akin ulit. Nahihiya ako dahil kitang kita niya ang katawan ko sa ikalawang pagkakataon. Habang ako, ay hindi pa. Nakikita ko ang katawan niya minsan, pero hindi yung buong nakahubad siya. Pero bakit ko pa iniisip iyon, kung hindi naman iyon mahalaga sa ngayon?

Nakatingin lang ako sa kanya, habang binubuhol niya ang tali ng aking roba at tuluyan na iyong naisarado.

Bumagsak si Elijah sa aking tabi at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Let's sleep, sweetheart." Bulong niya sa akin at naiwan naman akong nagugulohan.

Gusto niyang maging dahan dahan kami sa aming relasyon. Iyon ang tama, ako naman na pabaya ay muntik ng natupok sa apoy na binuo namin dalawa. Magpapasalamat ako kay Elijah na tumigil siya. Dahil alam ko na ang pagsisisi ay darating pagkatapos mong magkamali. Kailanman ay hindi naunang dumating ang pagsisisi.

"Thank you." Mahinang bulong ko sa kanya habang nakatingin sa kanyan na ngayon ay nakapikit na pero nakatiim bagang ito.

"I love you." Naging sagot niya at ibinuka niya ang kanyang mga mata upang matitigan niya ako.

Hindi na ako sumagot. Sumiksik na lamang ako sa kanyang katawan. Alam ko na hindi magiging madali ang pagtulog kong ito, dahil ang utak ko ay tumatakbo sa mga pangyayari ngayon lang. Ipinikit ko na ang mga mata ko at hindi na nagsalita. Naramdaman ko na lang na hinalikan ako ni Elijah sa tuktok ng ulo ko at nakaramdam na ako ng antok at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

•••

NAGISING ako kinaumagahan na nag-iisa na lamang sa aking silid. Si Sushi na ngayon ay tulog na tulog pa rin na nasa kanyang tulugan sa ilalim ng sofa. Hindi ko alam bakit hindi na siya natutulog sa kama simula noon nakabalik kami galing Eleftheria.

Bumangon na ako at pakiramdam ko ay bumalik na ang buong lakas ko. Hindi ko nakikita si Estrebelle, siguro ay may ginagawa ito kaya hindi ko ito nadatnan sa silid pagkagising ko.

Tumungo ako sa banyo para maligo. Mabilis na pagligo ang ginawa ko. Naalala ko naman ang mga pangyayari kagabi pero pilit na itinatago ko ang ala-alang iyon. Ngayon na kasintahan ko na si Elijah, hindi na dapat ako mahihiya sa mga ganoon bagay. Natural na ginagawa iyon ng magkasintahan, sumobra lang talaga kami kagabi. Hindi dapat namin iyon ginagawa lalo na at hindi ko naman siya asawa.

Natapos akong maligo ay nagsuot na ako ng isang preskong damit na nasa kulturang Waldorf pa rin. Kulay luntian iyon na isang sleeveless top at balloon pants na may mga gold linings and intricate designs. Kulay ginto naman ang suot kong sapin sa paa.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now