Fire 🔸 28

10.9K 902 76
                                    

Alessia's POV

"LET'S go." Saad ni Elijah sa akin at tinapunan niya ng masamang tingin si Rafi tsaka tumalikod

Sumama din ang tingin ni Rafi kay Elijah pero hindi na ito nagsalita pa. Tumalikod na lang din si Rafi at lumapit sa kanyang kabayo.

Sumama naman ako kay Elijah para makasakay ako sa kanyang kabayo. Tiningnan ko naman si Sushi na ngayon ay hawak hawak ni Stefano na nakasakay na sa kanyang kabayo. Hindi kami tiningnan ni Stefano kaya ipinagpasalamat ko naman.

Agad na binuhat na ako ni Elijah at pinasakay sa kanyang kabayo. Naging komportable kaagad ako at sumakay naman siya at pumwesto sa aking likuran.

"Remember to be cautious to any movements once we enter the domain." Saad ni Elijah sa lahat. Narinig ko naman ang kurong mga sagot nila.

Agad na pinatakbo ni Elijah at sa mabilis ito na paraan. Sa harap ko ay nakikita ko na para na itong isang tunnel dahil pababa ang daan at oras na nasa ibaba na kami, magmumukhang maze na ang lugar.

Ngunit para din itong grand canyon na nasa gitna ng disyerto. Napakapit ako ng maiigi sa likuran ng kabayo lalo na at pababa na ang takbo namin at mabilis iyon.

Agad na sumalubong sa aking mga mata ang nagtatasang tila mga bato na kay pula o mas tamang sabihin na matigas na lupa na parang bakod. Ang daan ay wala sa porma at paliku-liko iyon. Mga baluktot na pader na hindi ko alam kung nabuo ba iyon dahil sa isang sakuna o sinadya iyon.

"Sweetheart, trust me on this. I won't let anyone hurt you." Saad niya sa akin na tila binibigyan niya ako ng lakas ng loob.

Alam ko na mas delikado ito ngayon kaysa doon sa Eleftheria. Hindi ko alam kung gaano ito kadelikado ngunit para sabibin iyon ni Elijah, alam ko na hindi ito magiging madali.

Mabilis na tila nakikipagkakera ang lahat. Hindi ako nagsasalita at nakatingin lang ako sa unahan at kinakabahan na baka may makita ako doon. Wala pa akong napapansin na kakaiba sa lugar. Ngunit ilang sandali lang ay naningkit na lamang ang mga mata ko nang may nakita ako sa unahan na mga gumagapang at sobrang bilis ng kanilang mga galaw.

"Scorpions!" Sigaw ni Elijah at mabilis na binunot niya ang kanyang espada.

Pigil hininga akong napapikit nang may tumalon patungo sa amin na isang malaking alakdan. Narinig ko naman ang hiwa ng matalim na espada ni Elijah. I remember how sharp is his sword. Kaya din niya itong bitawan at gumalaw ng mag-isa.

"Don't be scared, Ales. I'll kill them all." Saad niya nang bumuhos ang napakaraming mga alakdan na hindi ko alam kung saan nanggaling. May narinig na akong mga sigawan na pakiramdam ko ay may tinamaan o binagsakan. Hindi ako sigurado kung mga sentinels ba iyon o mga kawal ng Waldorf.

Nakita ko naman na binato ni Elijah ang kanyang espada at kumilos ito nang mag-isa. Kasing bilis ito ng kidlat na tumama sa mga alakdan na papalapit sa amin. Naririnig ko ang mga iyak na galing sa mga alakdan, nakakabutas na tengang mga tunog. Ang kanilang mga dugo na kulay berde ay nagsitilamsikan at agad akong prinotektahan ni Elijah upang hindi matamaan.

Sinundan ng tingin ko ang espada ni Elijah. Umiilaw ito kagaya noon una ko silang nakita sa kagubatan ng Samona. Lumilikha ito ng malalaking hiwa at lahat ng mga natatamaan nito ay bumabagsak na walang buhay sa lupa. Inabot iyon ng ilang minuto bago tuluyan naubos ang mga alakdan.

Nakita ko kung paano bumalik ang espada ni Elijah sa kanyang mga kamay at nagliliwanag pa rin ito at naglalabas ng kaunting usok.

Napatingin naman ako ngayon sa paligid namin at maraming nagkalat na bangkay ng mga alakdan. They are all dead and no one survived. Kasing laki sila ng mga tao at alam ko na may dala silang lason sa mga buntot nila.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now