Fire 🔸 4

11.4K 913 64
                                    

Alessia's POV

NAKATAYO ngayon si Anisto sa aking harapan at may inilapag itong isang bote ng gamot na gawa sa kristal. Naging pamilyar sa akin ang gamot na iyon at naalala ko na. Nakita ko ito na isa sa mga gamit na iniinom ni Elijah.

Ang alam ko ang gamot na ito ay iniinom niya upang hindi nagwala ang kanyang kapangyarihan. Nagkaroon na noon ng insidente na kumawala ang kapangyarihan ni Elijah at muntikan nang nabura ang buong Valeria, o mas tamang sabihin na ang buong Wysteria. Pero matagal na panahon na daw iyon at parang naging isang alamat na lang.

May mga panahon na hindi nakokontrol ni Elijah ang kanyang kapangyarihan at nakakaramdam siya ng sintomas kaya umiinom kaagad siya ng gamot upang kumalma siya at pati na rin ang kanyang kapangyarihan.

Makapangyarihan siya, pero isang paghihirap din iyon ang kontrolin niya ang kanyang kapangyarihan, bago pa siya ang kontrolin nito.

"Ubos na ang gamot niya, Ales. Natatakot ako na ang misyon na ito ay magiging mitya upang magising ulit ang natutulog na kapangyarihan niya na kayang wasakin ang buong Wysteria. Kailangan itong maihatid sa mahal na hari sa lalong madaling panahon." Saad niya sa akin at bakas sa kanyang boses ang pag-aalala.

"May maghahatid na ba sa gamot na iyan?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Umiling si Anisto. "Walang may gustong pumunta sa Eleftheria, Ales. Hindi ko alam kung paano ito maipapadala sa hari.

Mas lalong lumalim ang pag-aalala ko dahil doon. Kung kukuha kami ng sentinel, mas lalo kaming matatagalan. Kaya biglang nakapagdesisyon ako kung ano ang dapat kong gawin.

"Ako ang maghahatid, Anisto." Prisenta ko sa kanya kahit napupuno ng takot ang aking kalooban.

Kumunot ang noo ni Anisto at tsaka umiling. "Hindi maaari, Ales. Babae ka at hindi kita pwedeng ipadala doon. Hindi mo kayang protektahan ang sarili mo laban sa mga halimaw doon." Protesta ni Anisto at umiling ulit ito.

Naintindihan ko na ganoon ang tingin niya sa akin dahil ganoon din ang tingin ko sa aking sarili. Kailanman ay hindi ko iisipin na kaya ko ang sarili na ipagtanggol sa mga halimaw doon. Noon nakaraan sa Avalone, muntik ko nang ikamatay iyon. Kung hindi lang dumating si Elijah, Sushi at mga sentinels. Kung wala sila ay baka matagal na akong inilibing.

"Alam ko Anisto na wala akong laban sa mga halimaw doon sa Eleftheria. Pero nasisiguro ko na hindi pa nila nararating ngayon ang bahaging iyon. Kung aalis ako, maaabutan ko pa sila at makakabalik ako dito bago pa man marating ang Eleftheria." Kumbinse ko sa kanya, pero kahit sa sarili ko ay wala iyong kasiguradohan. Hindi ko alam kung gaano kabilis ang takbo nila Elijah para masabi ko na wala pa sila ngayon sa Eleftheria.

Bumuntong hininga naman si Anisto. "Ales, ayokong gawin mo ito. Ayokong ilagay ka sa alanganin dahil pinayagan kita kahit alam ko na delikado." Himutok nito.

Umiling naman ako. "Mas delikado kung walang maghahatid nito sa mahal na hari at magising ang kung ano man ang nasa kalooban niya. Hindi lang isa ang mamamatay, kundi lahat." Mabigat na saad ko sa kanya para maintidihan niya na mas importante ang buhay ng nakararami kaysa sa buhay ko na iisa lang.

Bumuntong hininga ulit si Anisto at tsaka ini-abot niya sa akin ang bote na naglalaman ng gamot ni Elijah.

"Pinapayagan na kita, pero kailangan mong bumalik kaagad oras na naibigay mo ito sa mahal na hari, maliwanag ba Ales?" Pinal na saad niya sa akin na mas tunog habilin iyon.

Tumango ako. "Babalik kaagad ako, Anisto. Salamat at pinayagan mo ako." Tugon ko sa kanya.

"Mag-iingat ka, Ales. Si Dustan ang maghahatid sa iyo dahil hindi ka marunong mangabayo. Bumalik kaagad kayong dalawa, wag kang magkakamaling sumama doon sa Eleftheria." Habilin nito sa akin at seryosong seryoso ang kanyang pagmumukha.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now