Fire 🔸 26

10.4K 887 109
                                    

Alessia's POV

NARATING namin ang Callora Grande. Ngunit nasa bukana pa lamang kami. Hindi kami paaaring pumasok sa loob dahil maraming makamandag na nilalang ang naglulungga sa Callora Grande. Ang lugar na ito ay hindi pinamamahayan ng mga immortal, kundi mga mababangis na mga halimaw. Agad na nagtayo ng tent ang mga sentinels ayon na rin sa utos ni Elijah.

Madilim na at ramdam ko na ang lamig sa aking balat. Ang hangin na parang yelong gumagapang sa bawat sulok ng lugar na ito. Ito ang mahirap sa isang disyerto, kung gaano ito kainit sa araw, ganito naman kalamig tuwing gabi. Noon, akala ko na mainit din kapag gabi dahil likas na mainit ang disyerto, pero nagkamali ako.

Nangaligkig ako dahil sa lamig at lumapit ako sa ginawang siga ng mga sentinels. Kasalukuyan na naghahanap sila Elijah ngayon ng pwedeng ipanggatong para hindi mamatay ang siga ngayong gabi.

Kailangan na maging maliwanag ang paligid para hindi kami lapitan ng mga makamandag na insekto na nabubuhay sa mga disyerto. Kadalasan sa disyerto ay maraming rattle snake na talaga naman nakakmatay. Hindi ko tuloy alam kung meron ba ditong rattle snake o mas higit pa doon.

"Ginoong Ales, kumain na po kayo. Dito po ang tulugan niyo." Saad naman ng isang sentinel sa akin at itinuro ang isang may kalakihan at disenteng tolda. May mga iilan din ibang tolda doon na tulugan din ng ibang sentinels.

Napatango naman ako sa kanya at bago pa man ako nakagalaw para lumapit doon ay lumapit naman sa akin si Rafi dala-dala ang isang inihaw na manok o ibon. Hindi ko alam kung kailan niya ito nahuli.

"Kainin mo ito. Masarap yan." Saad naman niya sa akin kaya ngumiti naman ako sa kanya at tinanggap iyon.

Mabango ito at amoy nakakatakam talaga. Parte iyon ng paa na mas malaki kaysa sa karaniwang manok.

"Salamat." Tugon ko sa kanya bago ako kumagat sa paa ng manok. "Hhmmm...." naging ungol ko dahil sa sarap ng lasa na kumalat sa aking bibig. Ito na yata ang pinakamasarap na manok na natikman ko sa buong buhay ko. "Masarap..." naging komento ko habang maingat kong kinunguya ang pagkain na nasa bibig ko.

"Tama ka. Iyan ang pinakamasarap na pagkain dito sa Waldorf. Pero hindi yan masyadong niluluto dahil hindi ganoon karami ang ibon na iyan. Mahirap din iyang huliin." Sagot naman niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya habang ngumunguya.

"Wala naman ibon na madaling hulihin. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakahuli ng ibon." Turan ko naman sa kanya. Only hunters can easily catch a bird easily with their weapons.

"Mas mahirap ito dahil hindi basta basta ang mga ibon na ito." Sagot naman niya sa akin na may pagmamalaki.

Ngayon ay mas lalong umangat ang interes ko na malaman kung anong ibon ito.

"Anong ibon pala ito?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman si Rafi sa akin. "Vultures." May pagmamalaking tingin niya sa akin.

Natigil naman ako sa pagnguya at napatingin ako sa kinakain ko na nangalahati na. Vultures eats dead animals and even dead human! Some natives in India feeds the vultures of their dead family members. Yan ang kultura nila dahil hindi sila naglilibing ng mga patay. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko dahil sa sinabi ni Rafi at hindi ko nga napigilan ang sarili ko at napatakbo ako sa isang sulok at doon ako napasuka na halos lumabas na ang mga laman loob ko.

"Ales? What's wrong? May masama ba sa pagkain?" Nag-aalalang tanong ni Rafi sa akin. Hindi niya ako hinawakan pero patuloy ako sa pagsuka. Humigpit ang hawak ko sa bato at gusto ko ng itapon ang hawak kong vulture pero di ko ginawa dahil mas lalong magiging kabastusan iyon.

Hindi ako sumagot kaagad dahil patuloy na bumabaliktad ang aking sikmura. Hindi ako makapaniwala na kumain ako ng isang ibon na kumakain ng mga patay!

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Onde as histórias ganham vida. Descobre agora