Fire 🔸 45

8.1K 732 124
                                    

Alessia's POV

AGAD na nakauwi kami sa Palasyo. Pinasuot ako ni Elijah ng isang itim na talukbong upang hindi ako makaani ng atensyon sa palasyo. Gusto kong magpahinga at kung makikita ako ng mga tauhan sa palasyo ay alam ko na hindi matatahimik ang araw ko.

Nakasunod lang din sa akin Sushi at hindi naman kami napansin ng mga tauhan sa palasyo. Mas binigyan nila ng atensyon ang mga Sentinel na kailangan ng atensyon dahil sa mga dumi sa kanilang katawan. Hindi din ako pinayagan ni Elijah na tumulong sa paggamot dahil kailangan ko muna daw unahin ang sarili ko dahil kulang na kulang ako sa pahinga. Hindi ko na magawang makipagtalo pa sa kanya dahil kahit ang katawan ko mismo ay bumibigay na din.

Dumerecho na ako paitaas dahil kailangan ko ng maligo at nang makatulog na ako. Hindi ko na alintana kung hindi pa ba ako kumakain dahil mas malakas ang impluwensya ng pagod ko kaysa sa gutom na nararamdaman ko.

Agad na pumasok ako sa aking kwarto at nilanghap ang pamilyar na amoy ng bulaklak. Agad na hinubad ko ang itim na talukbong at bastang hinayaan ko lang iyon na mahulog sa sahig.

Agad naman na lumabas si Estrebelle mula sa banyo na halatang pinaghandaan ang aking pagdating.

"Binibining Alessia, handa na po ang paliguan niyo." Saad niya sa akin kaya ngumiti naman ako sa kanya at pumasok na ako sa banyo.

Mabilis na hinubad ko ang aking damit at tsaka lumubog ako sa tubig na may mga bula. Mainit init iyon na tila pumapawi sa aking pagod na katawan. Naisandal ko ang aking sarili sa tub at hindi ko maiwasan na maisip kung ano ba talaga ang mga demons.

If the blessing of the moon cannot ward them off, then what are they? Sa pagkakaalam ko, alam ng lahat na masama ang mga ito. Pumapatay ng imortal at dapat puksain. Ngunit bakit tila hindi iyon ang pangyayari? What is the story behind it? Hindi ako naniniwala na dahil sa hindi lang sila ordinaryong kasamaan. If they are bad, then they are under the category of evil. Wether it's worst or mild, they should be still ward off. Because the moon dust can ward off all evils. Ibig sabihin ay lahat at wala iyong pinipili.

Ngunit kung hindi iyon kayang sabihin ni Elijah, wala akong magagawa. Si Sushi, ang angkan niya ay masasabing galing sa kasamaan. Masasagot ba niya ang katanungan ko? Ano ba ang katotohanan sa likod ng mga demons?

Kaya binilisan ko na ang aking pagligo. Agad na lumabas ako mula sa banyo at tinignan ko naman si Sushi na ngayon ay nakaupo at nilalaro ang isang bola.

"Sushi, shift." Utos ko kay Sushi at napalingon naman siya sa akin. Wala naman akong nababakas na pagtataka sa mga mata ni Sushi. Tumayo ito at agad na narinig ko ang mga buto niyang naglalagutokan dahil sa pagpapalit niya ng anyo. This scene is phenomenal. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay. Everytime I see him shift, I always in awe.

Mine own mistress, how can I s'rve thee?

Saad naman ni Sushi sa akin na nasa harapan ko na ngayon. Maamo ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin, at ang maamong mukhang ito ay handang maging mabangis oras na kaharap niya ang mga kalaban.

"I heard about the blessing of the moon will happen few days from now. I wanted to ask some questions about it." Saad ko sa kanya at naging interesado ito dahil sa sinabi ko. Kaya nagpatuloy ako. "They said, this blessing of the moon, can ward of the evil—but why is that, demons are still existing?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Sushi. Tila nag-iisip ito kung ano ang sasabihin sa akin. Kaya mas lalong namumuo ang katanungan sa aking isipan dahil sa kanyang reaksyon. Elijah could not say anything about it, Sushi is hesitating. Basically, there is a mystery behind it.

It is something yond I cannot answ'r, mine own mistress. But all I can sayeth, the purest of all evil wast ward'd by the blessing of the moon.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now