Fire 🔸 46

8K 754 345
                                    

Alessia's POV

AGAD na hinanap ko si Elijah para kausapin siya. Hindi ako mapalagay hangga't hindi ko siya nakakausap tungkol sa pagpunta ko sa festival. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung hindi siya papayag.

Nakita ko naman si Stefano na naglalakad at may bitbit itong isang kahon na hindi ko alam kung ano ang laman. Tumakbo ako papalapit sa kanya dahil hindi niya ako napansin.

"Stefano! Para saan yan?" Agad na tanong ko sa kanya kaya napalingon naman sa akin si Stefano at huminto.

Itinuro ko naman ang bitbit niyang kahon kaya agad niyang naintindihan na iyon ang tinutukoy ko.

"Ito ba? Para to kay Sudanni. Hindi pala siya kumakain ng normal na pagkain natin at kailangan na siya din ang magluto ng pagkain niya." Sagot naman niya sa akin.

Napakurap naman ako. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol kay Sudanni. Nawala na siya sa isipan ko noon nagkagulo sa Samona. Ni hindi ko na alam kung nasa digmaan ba siya o nauna dito sa Valencia.

"He's not normal to begin with..." tugon ko naman sa kanya. Hanggang ngayon ay mahihiwagaan pa rin ako kay Sudanni o Erigor. Hindi pa rin nawawala yung pagtatampo ko sa kanya. "Nakita mo ba si Elijah?" Tanong ko na lang sa kanya kaysa pag-usapan ang tungkol sa Cerberus na iyon.

"Nasa kuwarto niya, bakit?" Tanong naman ni Stefano sa akin at napatabingi naman ito ng kanyang ulo. "Bakit pa ba ako nagtatanong?" Parang sa sarili niya iyon sinabi at hindi sa akin.

"Gusto ko sana siyang makausap." Sagot ko sa kanya. Alam ko na hindi naman ganoon kahalaga ang sasabihin ko ngunit gusto ko na magpaalam habang maaga pa.

Napatangu-tango naman si Stefano. "Ihahatid na kita sa kwarto niya. May ginagawa iyon ngayon at baka matagalan." Sagot naman niya sa akin at handa na sanang maglakad ngunit nagsalita ulit ako.

"Ano...Kung pwede sa silid tanggapan ko na lang siya hihintayin. Kung maaari lang sana." Turan ko. Hindi maganda tingnan na sa kwarto ko siya kakausapin sa pagpapaalam na pumunta sa festival.

"Wala sa plano niya ngayon ang pumunta doon. Kaya ihahatid na kita para makausap mo kaagad si Kamahalan." Usal naman niya sa akin kaya wala na akong nagawa.

"S-sige." Naging sagot ko na lang sa kanya.

Sumunod ako kay Stefano at inignora ang mga tingin na binibigay sa akin ng mga tagapaglinis ng palasyo. Alam ko na nagulat sila nang malaman nila na isa akong babae, ngunit kung tutuosin, hindi naman talaga iyon kagulat gulat. Paano na lang kung malaman nila na hindi ako isang imortal? Na isa naman talaga akong tao? Baka magkagulo na silang lahat.

Hindi naman nagtagal ay narating na namin ang harap ng pintuan sa kwarto ni Elijah. Sa pagkakaalala ko ay isang beses pa lang akong nakapunta dito. Iyon ay ang pagkakataon na nagkasakit siya at tiningnan ko siya. Noon panahon na lalaki pa ang tingin niya sa akin.

Ngayon lang ulit ako makakapasok sa grandyoso niyang kwarto. Kakausapin ko lang naman siya ngunit hindi ko mapigilan ang puso ko na kabahan kahit wala naman akong rason para kabahan.

"Pumasok ka na." Saad naman sa akin ni Stefano.

Napatingin naman ako sa kanya. "Baka makaabala ako sa kanya." Pero yung totoo ay gusto ko ng umatras.

Natawa naman ng kaunti si Stefano. "Kahit kailan ay hindi ka magiging abala kay kamahalan. Kaya pumasok ka na bago pa kita itulak papasok." Biro naman niya sa akin kaya napasimangot ako.

"Oo na, papasok na nga ako." Nakaingos na saad ko sa kanya at bastang binuksan ko na lang ang pintuan at pumasok na naka-ingos at taas noo. Kahit kailan, nakakaasar talaga si Stefano.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon