Fire 🔸 10

11K 1K 319
                                    

Alessia's POV

NAPAPASIMANGOT ako tuwing naaalala ko na inirapan ako ni Sushi at hindi pinapansin. Hindi ko akalain na marunong pala itong magtampo. Hindi ko na talaga siya naalala dahil sa dami ng mga nangyari. Inaalala ko na ang buhay ko kanina.

Kaya hinayaan ko na kang muna si Sushi. Kung hindi na siya nagtatampo, alam ko na lalapit din yan sa akin.

Napatingin ako sa itaas at nakikita ko ang tila walang hangganang bulkan ng Eleftheria. Wala na ang mga winged baboons, at nandito kami ngayon sa isang matarik na daan. Wala itong trail, at halatang hindi ito daanan na parte. Pero wala naman dumadaan dito kung iisipin ko.

"We will hike from here." Saad naman ni Elijah sa lahat at naramdaman ko naman ang bibig ni Elijah sa aking tenga. "Sweetheart, they are all watching you clinging to me." Bulong niya sa akin. Tsaka ko naman naalala kung ano ang posisyon namin dalawa na hindi pa nagbabago simula nang nagkahabulan kami ng mga baboons.

I am still straddling him, until now. Nakaramdam ako ng hiya at hindi ko na alam kung ano ang iniisip nila, pero sana hindi iyon masama. Wala naman akong masamang iniisip sa posisyon namin.

"Pakibaba na lang ako please." Mahinang saad ko sa kanya at parang gusto ko na lang maglaho dahil sa kahihiyan. Baka isipin nila na bakla ako o kaya si Elijah.

Narinig ko naman ang mababang tawa ni Elijah na mas lalo lang nagpalala sa nararamdaman ko.

"Grabe ang kapit mo totoy, takot na takot ka ba sa mga unggoy na yun?" Natatawang saad naman ni Stefano at narinig ko din ang tawa ng iba pang sentinels.

Naramdaman kaya ni Stefano ang nararamdaman ko kaya sinabi niya iyon? Siguro ganoon na nga dahil walang dahilan para sabihin niya iyon.

"Takot na takot nga, baka mahulog daw siya." Sabay naman ni Elijah na tila nakipagbiruan pa.

Nakukuha ko naman ang ibig niyang sabihin. They are trying to save me from bigger question. Para hindi isipin ng mga sentinels ang masama tungkol sa akin.

"S-sino ba ang hindi matatakot doon?" Nakaingos na tanong ko at tsaka naibaba na ako nang tuluyan ni Elijah.

Kunwaring pinagpagan ko naman ang sarili ko pero nakikiramdam din ako sa aking paligid.

"Bata ka pa talaga, ginoong Ales." Natutuwang saad naman ng isang sentinel na hindi ko kilala ang pangalan.

"Dalawampung taon pa lamang si ginoong Ales, kaya natural lang na matatakot siya." Saad naman ni Ariadne.

Natutuwa ako dahil pakiramdam ko ay nakaalis na ako sa isang nakakailang na sitwasyon. They saved me, and the sentinels are not thinking bad about it.

Sumangayon naman ang lahat ng sentinels kay Ariadne. Kaya napatikhim naman si Elijah ngayon.

"Kailangan na natin maglakad patungo doon." Saad ni Elijah na ngayon ay nakababa na mula sa kanyang kabayo na wala ng pakpak. Hindi ko alam kung nasaan na ang pakpak nito.

Agad naman akong nakarinig ng positibong sagot mula sa lahat. Pero nagtaka naman ako dahil isa-isa nilang iniwan ang mga kabayo nila o unisus.

"Teka, hindi niyo dadalhin ang mga kabayo?" Nagtatakang tanong ko at humakbang na rin ako.

"They're fine here and they cannot go to a hotter climate." Sagot naman ni Elijah sa akin na naglakakad din pero nauna ito ng kaunti sa akin.

"Ah." Naging tugon ko na lamang. Iniisip ko kasi na baka biglang mawala sila. Pero naalala ko naman na hindi sila ordinaryong kabayo. Kung mawawala man sila, sigurado akong alam nila kung saan sila uuwi. Doon sa palasyo. "Mauna ka na...kamahalan." Turan ko kay Elijah at binagalan ko ang aking paglalakad.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now