Fire 🔸 29

9.6K 890 134
                                    

Alessia's POV

THE golden dust showered upon us. Nakita ko kung paano tumigil sa pagalaw ang mga vines. Hindi ko alam kung paano mani-obrahin ang unisus pero ito na ang kusang nagmani-obra sa sarili niya. Mukhang alam nito ang dapat gawin kaya ibinuhos ko na ang tiwala ko sa kabayo.

Mabilis kaming pumasok at halos pigil ang hininga ko dahil para akong nakasakay sa isang roller coaster sa sobrang bilis at galaw ni Bolt. Maraming iniiwasan ang unisus na mga nakaharang na vines. Masyadong mahirap ang dinadaanan namin at kung magkamali man ako ng hawak ay sigurado akong mahuhulog. Napapatingin ako sa ibaba at nakikita ko doon ang matutulis na mga tinik na alam kong hindi magandang senyales iyon kung babagsak kami. We will surely die once we hit the ground.

Naging mas mahigpit ang aking kapit dahil na rin sa kaba at takot. Sobrang laki ng mga vines ngunit tila hindi nahihirapan ang mga unisus, mukhang sanay na sanay sila sa ganitong daanan. Hindi nagtagal ay nakita ko na rin ang hangganan ng mga vines. Mas naging determinado ako at mas lalong bumilis si Bolt.

Lahat kami ay tahimik at nakatuon lang ang pansin sa matagumpay na pagdaan sa mga nakakamatay na vines na ito. Nakikita ko na ang hangganan hanggang sa nalagpasan namin ito.

Para akong nakatikim ng masarap na serbesa nang malagpasan namin ang mga vines at ngayon ay napabalik kami ng tingin sa mga Vines na hindi pa rin gumagalaw. Nakalutang kami sa ere at dinig na dinig ko ang kumapasan nang pakpak ng mga unisus.

Biglang lumitaw naman si Elijah sa aking harapan at biglang nagwala na ulit ang Vines. Hindi ako makapaniwala na nakadaan kami doon. Ngunit bigla naman nanghina ang sinasakyan ko na unisus at nanlaki na lang ang mga mata ko nang akmang mahuhulog kami. Pero mabilis si Elijah at agad na lumutang kaming lahat kasama ang mga kabayo, pinigilan ang ambang pagkakahulog namin lahat.

"Sushi!" Napalingon naman ako dahil sa sigaw ni Stefano.

Nakita ko si Sushi na lumaki ito at humiwalay ito kay Stefano at tumakbo ito patungo sa akin, kahit nakalutang. Parang sanay na sanay itong tumakbo sa ere kahit kontrolado ito ni Elijah.

Mine own mistress, dang'r is approaching. T'rrible dang'r is about to befall.

Nanlamig ako sa sinabi ni Sushi. "What do you mean Sushi?" Kakatapos lang namin sa mga vines na iyon, nay paparating na naman na pagsubok. In deed, this passage is full of traps and danger. Pinaninindigan na talaga ang pangalan nito.

The necromanc'rs art all h're to stand ho us at all did cost.

Napalunok ako. Hindi siya masyadong malinaw sa akin pero naiintindihan ko siya. Nandito ang mga necromancers upang pigilan kami. Ibig sabihin, handa silang patayin kami. Aatakihin nila kami ano man oras. Alam ko na hindi iyon gawa gawa ni Sushi, dahil kahit kailan ay hindi nagsisinungaling si Sushi. Naaalarma siya kung may panganib na darating.

Mabilis akong napalingon kay Elijah. Kailangan niya itong malaman lalo at hindi naman nila naiintindihan ang wika ni Sushi.

"The necromancers are here." Mabilis na saad ko sa kanya. "I mean a bad news." Saad ko sa kanya

Nakita ko ang pagkabahala sa mukha ni Elijah at napatingin siya sa mga kasama namin. Hindi na siya nagtanong kung kanino ko ito nalaman dahil walang ibang pwedeng magsabi nun kundi si Sushi lamang. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Nanganganib ang mga sentinels at mga kawal ng Waldorf dahil kayang kaya silang paslangin ng mga Necromancers sa pamamagitan nang pagkain ng kaluluwa nila.

I'll protecteth thee at all did cost, mine own mistress. Necromanc'rs cannot consume thy soul since thee already kicked the bucket bef're. We cannot taketh souls who is't once kicked the bucket bef're.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now