Fire 🔸 30

9.4K 873 72
                                    

Note: Shout out to Nikiforov_28. Salamat sa pagbigay ng mensahe.

Alessia's POV

NAPATINGIN ako sa paligid at wala akong makitang lugar na pwede kong daanan. Nakapatong ang malaking pugad ng agila sa isang malaking sanga ng kahoy na tumubo sa bangin.

Si Sushi ay hindi pa rin bumabalik sa tamang huwisyo nito. Ang alam ko lang ay apektado siya sa pagkawala ng tatlong necromancer, pero hindi ko inakala na magiging ganito iyon, na tila hindi siya nakakaramdam ng ano man sa kanyang paligid.

Napatingala na lamang ako dahil narinig ko ang tunog ng agila. Mabilis akong tumayo at medyo umuga ang pugad kaya nakaramdam ako ng kaba. Hawak hawak ko si Sushi na nagdedeliryo at nilagpasan ko ang dalawang sisiw na alam kong hindi ito magdadala ng kapahamakan sa akin.

Kailangan kong makaalis dito, bago pa bumalik ang agila. Mabilis akong humawak sa isang nakausling sanga sa may pugad at bumwelo ako para makalabas at makatuntong ako sa sanga. Pinanatili ko ang aking mga mata sa taas at hindi ako nagtangkang tumingin sa baba. Pakiramdam ko, oras na gagawin ko iyon ay mas lalo lang madadagdagan ang aking takot.

Dahan dahan akong tumulay sa sanga at nakikita ko ang may payak na daan sa bangin sa may kanan bahagi. Kailangan ko itong marating upang makalayo sa pugad ng agila.

Muling tumunog ang agila na tila senyales ito na palapit na ito ulit sa kanyang pugad. Kaya pikit mata kong tinakbo ang sanga, kahit alam ko na konting pagkakamali lang ay ikakamatay ko na iyon at tumalon ako patungo sa payak na daan.

Agad na lumapag ang mga paa ko at halos himatayin naman ako sa takot nang muntikan na akong matumba patalikod ngunit mabilis akong napahawak sa isang ugat doon na nakausli.

Pigil hininga akong nakakapit doon at hinila ko ang sarili ko para maayos akong makatayo sa payak na daan. Napalunok ako at napapaligiran na rin ako ng hamog kaya mahihirapan ang ano man na maaninag ako dito.

Narinig ko na lang ang kumpas ng pakpak ng agila. Napahakbang ako dahil sa takot pero maingat akong tumitingin sa daan. Nakahawak ang isang kamay ko sa dingding habang napapansin ko na medyo paakyat ang daanan na iyon na may tinutumbok.

Puno ng pag-aalala ang puso ko dahil hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Natatakot ako na baka hindi ako mahanap nina Elijah. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa estado ni Sushi. Hindi ko alam kung emosyonal lang ba ito, o talagang may dinaramdam ito ngayon na hindi mapigilan.

Narinig ko naman ang tila nagwawalang agila. Alam ko na hinahanap ako nito lalo na at bigla akong nawala sa pugad niya. Kaya mas binilisan ko ang aking paglalakad sa daan na hindi ko alam kung saan ako patungo.

Sa bilis ng paglalakad ko, biglang natalisod na lamang ako at nahulog ako sa tila isang butas na hindi ko alam. Nabitawan ko si Sushi at narinig ko ang kanyang iyak dahil medyo malakas ang pagkakatama niya sa sahig.

Agad akong napatayo pagkatapos kong nadapa. Tumingin ako sa paligid at nakikita ko ang itim at asul na kulay ng lupa at mga bato. Para itong bundok na may malaki at malalim na uka sa gitna at nandito ako ngayon sa gitna.

Mabilis kong pinulot si Sushi lalo na at mahinang umiiyak ito na tila binabangungot. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang bangin at payak na daan na pinanggalingan ko. Napalunok ako, higit na mas delikado ang pinanggalingan ko kaysa sa lugar na nakikita ko ngayon sa harapan ko.

Pero hindi ko alam kung ano ang lugar na ito. Kahit natatakot, humakbang ako at halos walang tunog ang mga ginagawa kong mga hakbang. Ramdam ko ang lamig ng hangin na dumadapo sa aking balat at may dalang tunog iyon.

Naglakad ako at nakikita ko ang sahig na medyo basa iyon kaya napatingin ako sa sarili ko. May dumi na ang damit ko dahil sa pagkakatumba ko ngayon lang. Gusto kong mapamura dahil hindi ito simpleng dumi lang. Malaki ang duming dumikit sa akin at dagdag pa ang mga abong dumikit sa aking balat at buhok.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt