Epilogue

12.4K 901 375
                                    

Alessia's POV

NATAPOS kaming pumasok sa courtyard kasama si Stefano ay nanood kami ng ipinagmamalaking sayaw ng Valeria. Ang sabi sa akin ni Stefano, ang sayaw daw na iyon ay Faerie Dance. Ang sayaw na ito ay hindi basta-bastang sinasayaw kung saan saan dahil kada blessing of the moon lang ito ginagawa.

Totoong napakaganda ng sayaw na ito at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng ganoon sayaw. Para itong lumilipad sa ere—no, they can really slightly fly, maybe they learned martial arts at kaya nila iyon gawin.

Palakpakan naman ang lahat pagkatapos at nagsimula na din ang banquet. Mga alak at pagkain na sapat para sa lahat. Hindi naman ako uminom ng alak dahil alam ko na matapang ang kanilang alak dito. Kahit alam ko na isa akong imortal, ang katawan ko ay hindi pa rin sanay sa buhay dito. Hindi ibig sabihin ay hindi na rin ako malalasing.

"Lady Alessia, narinig ko mula sa Hari na isa ka pa lang mangagamot. Kung maaari, pwede mo bang matingnan ako?" Biglang tanong sa akin ng isang ginang. Ito ang kasama ng heneral ng digmaan.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Kung hindi po ako nagkakamali, kayo ang asawa ni heneral Ambrosias, tama ba ako?" Kumpirma ko naman.

Nagtakip naman siya sa kanyang bibig gamit ang kanyang eleganteng pamaypay at tumawa ng mahina.

"Tama ka nga, binibini. Ngayon mo lang ako nakita dahil hindi ko din magawang umalis sa tahanan namin. Pero nakilala mo na ang asawa ko?" Tugon naman niya sa akin. Wala akong maramdaman na kakaiba sa kanya o pagkukunwari.

"Opo. Madalas ko siyang nakikita kung mag pagpupulong ang hari." Sagot ko naman sa kanya at napatingin naman ako ng mabilis sa dereksyon nina Elijah na kasama ngayon si Ate. Ibinalik ko naman ang aking tingin sa ginang. "Umupo muna kayo, Ginang Ambrosias at titingnan ko ang kalagayan niyo."

Mabilis naman kaagad itong naupo sa bakanteng silya kaya tumayo naman ako para matingnan siya.

"Ano po ang nararamdaman niyo?" Tanong ko sa kanya kailangan ko munang malaman kung ano ang nararamdaman niya bago ko siya tingnan.

"Madalas akong mahilo nitong nakaraang lingo. Nanghihina ako lagi at palagi akong pagod. Nawalan din ako ng gana sa pagkain." Sagot naman niya sa akin kaya napakunot noo ako.

Alam ko na hindi nagkakasakit ang mga imortal kagaya ng lagnat, maliban na lang kung may sugat talaga. Kaya kahit hindi ako nagbigay ng tugon ay inabot ko ang kanyang pulso sa kanya para matingnan siya.

Malakas ang kanyang pulso ngunit may nararamdaman akong maliliit na pulso kasabay sa malalaking pulso niya. Napatingin ako sa ginang, sa kanyang leeg at nakita ko ang malakas na pagpintig doon. Ang kanyang mga mata din ay masyadong maputi.

"Ginang Ambrosias, nagsusuka ba kayo tuwing umaga?" Tanong ko naman sa kanya. Alam ko na ang kalagayan niya. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi niya alam. Ang mga sintomas na nararamdaman niya ay dahilan ng pagbubuntis. Ang alam ko ay may anak na ang heneral sa kanyang asawa kaya imposibleng hindi niya iyon maramdaman kaagad.

Umiling naman ito. "Nagsusuka lang ako kung may hindi kaaya-ayang amoy akong nalalanghap." Sagot naman niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Ikinatutuwa ko pong sabihin sa inyo na maayos ang inyong kalagayan. Magkakaanak ulit po kayo." Anunsyo ko sa kanya.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata. "B-buntis ako?" Hindi makapaniwalang kumpirma niya sa akin.

"Opo, dalawang buwan na po kayong buntis kaya dapat masustansyang pagkain ang kinakain niyo. Dalasan niyo po ang pagkain ng prutas. Mag ehersisyo din po kayo kada umaga at hapon para hindi kayo mahirapan sa panganganak." Suhestiyon ko naman sa ginang.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now