Fire 🔸 5

11.3K 987 110
                                    

Alessia's POV

HINDI ko na magawang magsalita pa. Nanahimik ako at nag-iisip ako kung tama ba itong ginagawa ko. Tama ba na masyado kong pinaniwala ang sarili ko na maaabutan namin sila Elijah. Alam ko sa simula't sapol ay malaki na ang tsansa na hindi namin sila maaabutan sa labas ng Eleftheria. Pero umasa pa rin ako, umasa na maaabutan sila.

Pero sa sitwasyon na ito, mas malaki ang tsansa na nasa loob na sila at hindi namin sila maaabutan sa labas. Nagtatalo ang isipan ko. Kinakain ako ng takot, pero tinutulak din ako ng isipan ko na kailangan kong maibigay kay Elijah ang gamot. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito, namin ni Dustan pero pipilitin ko.

Kahit kinakain ako ng takot, kung kinakailangan ay papasukin ko ang Eleftheria, maihatid lamang ang gamot kay Elijah.

Patuloy lang ako sa pagmasid sa dinadaanan namin. Sa bawat metrong tinatakbo ng kabayo, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Napapatingin na din si Sushi sa akin at nakikita ko sa kanyang mga mata na nag-aalala siya sa akin.

Ngumiti lang ako kay Sushi at ibinalik ko ang tingin sa daan. Sana, maabutan namin sila kahit sa bunganga ng Eleftheria. Hangga't maaari ay ayokong pumasok sa Eleftheria. Pero kung kinakailangan ay gagawin ko.

Ilang oras na ang dumaan at ramdam ko na dapit hapon na. Mas lalo akong kinabahan dahil nandito kami sa isang lugar na hindi dinadayo ng mga imortal. Ayokong maabutan nang gabi dito. Kaya sana naman ay maabutan namin sina Elijah.

Pero nagulat na lamang ako nang biglang malakas na humalinghing ang kabayo at itinaas nito ang dalawang paa sa harapan nang patayo na muntikan na namin ikahulog ni Dustan.

"Ales!" Sigaw ni Dustan at mabilis akong kumapit kay Dustan habang siya naman ay mahigpit na kumapit sa renda ng kabayo.

Nakaramdam ako ng takot dahil baka mahulog ako. Mataas ang kabayo at hindi biro ang babagsakan ko kung sakali. Kaya mahigpit ang pagkakakapit ko kay Dustan at nabigla naman ako nang tumalon si Sushi pababa na tila walang nangyari.

Patuloy sa malakas na paghalinghing ang kabayo. Si Dustan ay ginagawa ang lahat upang mapakalma ang kabayo. Pero dahil sa malikot na galaw ng kabayo ay nawawalan na ako ng balanse at dumudulas ang kamay ko sa pagkakahawak mula kay Dustan.

Mas lalong nagwala ang kabayo kaya napasinghap na lamang ako nang dumulas na ng tuluyan ang pagkakahawak ko kay Dustan at nahulog ako mula sa kabayo.

Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa lupa at napangiwi ako. Ni hindi ako nakasigaw dahil sa gulat at pakiramdam ko ay hindi ako makatayo.

"Umilag ka Ales!" Sigaw naman ni Dustan kaya kahit masakit ang katawan ko ay gumulong ako palayo sa kabayo at narating ko ang pinong damuhan na parang damong pang kalabaw.

Napaungol ako at dahan dahan akong bumangon kahit ramdam ko na masakit ang aking likod. Alam ko na magkakapasa ang likod ko, sigurado iyon pero ramdam ko naman na walang bali doon. Malakas lang talaga ang bagsak ko kaya masakit.

Bumangon ako ng tuluyan at pinagpagan ko ang aking sarili. Puti ang aking damit at agad na makikita ang kung ano man dumi ang dumikit doon kaya sigurado akong meron itong dumi mula sa lupa. Pero wala na akong pakialam doon.

Napatingin naman ako sa kabayo na hanggang ngayon ay nagwawala pa rin sa hindi ko malaman na dahilan. Kaya napatingin naman ako sa unahan na hindi ko pa natatanaw.

Napahinto ako sa aking pagtataka nang makita ko sa di kalayuan, ang isang makapal na kakahuyan at kahit ordinaryong tao lamang ako, alam ko na hindi ito pangkaraniwan na kagubatan.

Madilim doon dahil sa makakapal na ulap sa ibabaw hanggang sa bundok ng Eleftheria.

"Dustan, umatras ka!" Sigaw ko kay Dustan at kahit nagtataka man siya ay pinaatras niya ang nagwawalang kabayo. Mabilis na tumalima ang kabayo at umatras sila. Mga ilang hakbang paatras ay kumalma na ulit ang kabayo na tila walang naganap na pagwawala kanina.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now