Fire 🔸 25

10.4K 869 284
                                    

Alessia's POV

PAKIRAMDAM ko ay nanunuyo ang aking lalamunan kaya uminom ako ng tubig galing sa isang lalagyan na gawa sa balat ng hayop. Hindi ako pinagpapawisan dahil malakas naman ang hangin, ngunit hindi ko maipagkakaila ang init na hatid ng klima.

Parang gusto ko ng umuwi dahil sa init. Matiisin ako, ngunit sobrang init ng Waldorf. Ni wala akong makitang puno dito na pwede mong pagpahingahan, puro buhangin na walang katapusan at hindi mo alam kung saan ang hangganan nito.

"Sweatheart, wear my cape, you're burning." Saad naman ni Elijah sa akin. Napapansin siguro niya na medyo namumula na ang aking balat dahil sa init ng araw.

Mabilis naman akong umiling. "Masakit sa balat, pero hindi naman ito nakakamatay." Tugon ko sa kanya. Pero mas natatakot ako na baka magkaskin cancer ako nito dahil sa sobrang exposure sa araw. Too much exposure can cause heat stroke or worst, skin cancer.

Ilang oras na kaming naglalakbay at mabilis ang takbo nun. Paliko liko ang daan, tuyong tuyo ang lahat at umaalingasaw ang init. Napatingin naman ako sa kaliwang bahagi at may nakita ako doon isang bagay na kumuha ng aking atensyon.

"Ano yun?" Agad na tanong ko sabay turo sa bagay na nakita ko. Dahil sa hinaba-haba ng biyahe namin, ngayon lang ako nakakita ng isang bagay na iba maliban sa mga kalansay ng hayop na nakalubog sa buhangin.

"That's a well." Sagot naman ni Elijah. "We will detour for a little while." Saad ni Elijah at tinungo namin ang sinasabi niyang balon.

Nang makita ko ito ng malapitan, naging pamilyar ito sa akin. Ang balon ay napapalibutan ito ng isang metrong taas ng mga nagpapatong patong na mga bato. Tuyong tuyo ang mga bato kung titingnan. May malaking kahiy din doon sa itaas na hugos arko na nagsisilbing lagayan ng lubid para sa malaking timba na kukuha ng tubig sa ilalim.

Hindi ko hinawakan ang mga bato dahil alam ko na mainit iyon. Sinilip ko ang ilalim ng balon, ngunit wala akong makita dahil sobrang dilim ng ilalim.

"We'll check if there is water." Saad naman ni Rafi at kumuha siya ng isang bato mula sa buhangin at itinapon iyon sa loob ng balon.

Nakinig kaming lahat sa tunog, ngunit wala kaming narinig na tilamsik ng tubig. Ibig sabihin nun ay natuyo na ito at walang laman ang ilalim. Hindi rin alam kung gaano na ito katagal na walang tubig.

"There's no water in it. We cannot drink from it." Saad ni Rafi na tila nawalan ng pag-asa. "We need to water the horses."

He is not literally talking about us drinking the water but the horses. Kailangan nilang uminom ng tubig dahil nakakapagod ang paglalakbay na ito para sa mga kabayo. They need to hydrate themselves in order to survive this journey.

"I'll take care of it." Saad naman ni Elijah at itinapat lang niya ang kanyang kamay sa ilalim ng balon.

Biglang nakaramdam kami ng mahinang pagyanig sa lupa na naging dahilan para maalarma ang mga kabayo. Ilang sandali pa ay nakita ko nang tumataas ang tubig mula sa ilalim hanggang sa nag-uumapaw na ito sa balon at nababasa na ang buhangin na nakapalibot sa balon.

"Wow..." mahinang sambit ko. Napatingin ako kay Elijah at parang wala lang ito sa kanya. Ni hindi mo makikitaan na nagyayabang siya. Nakakunot noo lamang ito na tila kumukuha lang ng tubig mula sa refrigerator.

Agad na kinuha niya ang malaking timba at ginamit niya iyon para maghukay. Gumagawa siya ng hukay para doon mapunta ang tubig at makakainom lahat ng kabayo ng sabay sabay.

Agad na tumulong sina Stefano at ibang mga sentinels. Si Rafi ay ganoon din ang ginawa niya sa kabila para na rin sa kanilang mga unicorn.

Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanila. Tila nakalimutan ko na mainit ang araw dahil naaaliw na ako sa panood sa kanila. Natapos din sila sa paghuhukay at dumaloy na doon ang tubig. Naghintay pa sila ng ilang saglit bago nila pinainom ang mga kabayo ng sabay sabay.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now