Fire 🔸 11

10.3K 996 154
                                    

Alessia's POV

MAGTATANONG sana ako kung ano ang ikinagalit niya pero hindi ko na iyon nagawa pa dahil narinig ko na ang halakhak ni Stefano na pababa mula sa butas.

"Woooaaaahhhh!" Nakita ko na sila pababa. Hawak hawak niya si Sushi na naging tuta ngayon na hindi pa rin ako pinapansin.

Agad silang lumapag at nakita ko na dala nila ang lahat ng mga unisus kasama ang kay Elijah.

Agad silang nagsibabaan sa kanilang mga kabayo at ako naman ay tahimik lang at kinakabahan. Lumapit sila sa amin at hindi nakaligtas sa aking mga mata na tumingin ang mga bagong dating sa akin. Nakita ko ang gulat na lumarawan sa kanilang mga mata pero agad din naman iyon nawala at parang wala lang nangyari.

"We will walk from here." Saad naman ni Elijah na nagpasya nang magsalita. "And I would like to say a reminder, whatever you saw and discover from here, will remain a secret." Saad niya at agad ko naman nakuha ang kanyang ibig sabihin. He wanted to hide the fact that they already know that I am a girl.

"Masusunod, mahal na hari." Sagot naman ng mga sentinels.

"Let's go." Usal ni Elijah. "Leave your clothes here, we will get them back later on." Saad naman sa akin ni Elijah kaya napatango naman ako.

Agad na naglakad kami at binaybay naman ang daan na napapaligiran ng mga amaranthine. Nagiging silbing ilaw ito sa paligid na tila sinadya.

"This is a nice place." Komento naman ni Stefano. "We never gone here, your majesty."

"Because we never reached this surface level." Tugon naman ni Elijah.

Tahimik lang akong nakikinig at naglakakad sa kanila. Nasa likuran nila akong dalawa, habang ang mga sentinels naman ay nasa aking likuran din.

Pinag-aralan ko ang bawat paligid. Galing sa butas, sa baba ay may isang lawa at sa harap nito ay mga amaranthine. May isang daan na parang yungib na napapalibutan ng amaranthine na nagsisilbing ilaw sa paligid. It's a work of art, if we are going to think about it.

Napapansin ko din ang lupa na hindi ito kagaya ng inaasahan ko. They are hard, not muddy, and almost plain. Wala man lang stalactite at stalagmite. Considering this is almost the very bottom of the mountain, the moisture of this place must be heavy.

Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang paminsan minsang mga tulo na hindi kapansin pansin. Nagtiim bagang naman ako dahil sa mga napapansin ko. Nagkakaroon na ako ng hinala. Someone is living here, hindi ko lang sigurado kung anong nilalang.

"Something is nesting in this ground." Naisaad ko bigla. Napahinto naman sila at napatingin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin, Ales?" Kunot noong tanong ni Stefano sa akin.

"Kung pagbabasehan ko ang paligid, malayo ito sa inaasahan ko. Based in Geophysics, the ground here is well maintained, no cracks and they were hardened. There is no sign of tectonic effect on it. Imposibleng hindi ito tinamaan ng lindol. Walang stalactites at stalagmites na makikita, walang lumot na kung iisipin ay may tumutulong tubig." Saad ko at yumuko ako para damahin ang lupa sa aking mga daliri. "This soil is rich and prone to algae. The humidity is already enough to grow an algae, not unless someone is scrubbing them off. Volcanic gases does not apply since this is an inactive volcano. " Paliwanag ko.

Nakita ko naman ang kalituhan sa mga mukha nila.

"Ales, what's a Geophysics? I never heard something like that." Nagtatakang tanong sa akin ni Elijah.

Napalunok naman ako dahil doon. I need to come up with something. Geophysics is not something to be taught in all courses. This subject is only offered with Geology courses, pero sa ibang bansa, may kurso talaga na Geophysics. I highly doubt if Geophysics is already existing in Elijah's era.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now