Fire 🔸 20

10.6K 894 251
                                    

Alessia's POV

NASA loob na ako ng aking silid. Inihatid na ako ni Elijah pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Ngayon na naiintindihan ko na ang pangyayari, kahit paano ay magaan na ang aking pakiramdam. Kahit alam mo na komplikado, nakakagaan pa rin na alam mo kung ano ang nangyayari at kung bakit niya ginagawa iyon. Dahil ang mas mahirap, yung wala kang alam sa mga ginagawa niya. Doon pumapasok ang sakit at mga ideya na hindi kanais nais.

Unti-unti ko na rin natatanggap ang katotohanan na na may nagyayari sa kanila noon ni Aphrodite. I have to be mature and not a jealous freak. Kahit gusto ko man na sana, ako na lang yung nauna sa buhay niya, wala na akong magagawa, kaya tatanggapin ko na lang. Napapansin ko rin ang kakaibang mga tingin ni Elijah, hindi ko alam kung ako ba ang may problema dahil napapansin ko na panay ang titig niya sa akin na tila kay lalim ng iniisip. Kung magtatanong naman ako, sasabihin lang niya na wala. Pero randam ko ang kakaiba doon na hindi ko lang mapangalanan.

Hindi na ako nagpumilit sa kung ano man ang problema niya. Kung hindi siya komportable na sabihin iyon sa akin ay hindi ko siya pipilitin. There are things that we are not comfortable sharing with others, even to our family. Nirerespeto ko iyon dahil kahit ako, may mga bagay akong itinatago na hindi ko kayang sabihin kay Elijah.

Nagpahinga na ako pagkatapos kong maligo at nagsuot ng pantulog. Malamig ang gabi kaya maayos lang na suot ko ang kimonong pantulog ko. Pagod ako at ramdam na ramdam ko ang kaantukan. Kahit masaya ako ngayon, hindi ko nagawang magpuyat dahil sa pagod. Kaya mabilis akong nilamon ng kadiliman nang pumikit na ako.

Agad na sumapit ang umaga at nagising naman ako. Mabilis akong naligo at nagsuot ng damit na nasa kulturang Waldorf. Nakakapagtataka na marami na ngayong pang-itaas na sarado ang harap. Kaya hindi na ako nahirapan na pumili ng susuotin. Isinuot ko ang kulay kalangitan na damit.

Ang sapin sa paa ay ganoon din ang kulay. Itinali ko naman ang aking buhok pero hindi kagaya kagabi. Simple lang ito ngayon. Lumabas na ako sa aking silid dahil ang una kong gagawin ay maglilibot ako.

Napapaisip na rin ako kung saan ang chamber dito sa Waldorf kung saan nakamarka ang kasaysayan. Ngunit sa laki nitong palasyo, hindi ko alam kung saan iyon hahanapin. Hindi ko rin alam kung hindi ba bawal dito ang tingnan ang mga sulok ng palasyo.

Kung nasa Valeria lang sana ako, ay madali ko itong magagawa. Pero sa ngayon ay malabo iyong mangyari. Ayokong ilagay ang sarili ko sa panganib at baka maapektuhan ang mga kasama ko, lalo na si Elijah.

"Ales!" Biglang bati naman sa akin ni Rafi na ngayon ay simpleng nakadamit ito ng puti at bukas ang harapan. Mas nakikita ko na siya ngayon ng malinaw dahil maliwanag na. His skin is a color of golden olive. His black hair is smooth reaching his back and some were in braids neatly. "Pasensya ka na kagabi." Hingi niya. Kapansin pansin ang mahahaba niyang pilik mata, ang matangos niyang ilang, ang prominenteng mga panga at ang manipis niyang bigote na bumabalot sa kanyang panga at baba.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, dahil sa hindi magandang tagpo nilang dalawa ni Elijah. Pero napagpasyahan ko na lang na balewalain iyon. Whatever their problems are, I have nothing to do with it.

"Magandang umaga, mahal na prinsipe." Bati ko sa kanya at pormal na yumukod.

Nakita ko naman na napakamot siya sa kanyang batok.

"Pwedeng wag mo akong galangin ng ganyan? Gusto ko na ituring mo akong normal na kaibigan, Ales." Saad naman ni Rafi sa akin na pakiramdam ko ay hinihingi niya ang isang bagay na imposibleng gawin.

"Hindi ko maaaring gawin iyan, mahal na prinsipe." Sagot ko sa kanya.

"Please..." usal naman niya kaya napabuntong hininga ako.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now