Fire 🔸 18

9.7K 917 245
                                    

Alessia's POV

NAGING magaan ang aking pakiramdam pagkatapos kong maligo. Hindi na kagaya kanina na mainit ang pakiramdam ko dahil sa suot kong damit.

Hindi ko rin gustong suotin ang mga damit na dala ko dahil alam ko na magiging mainit iyon. May mga damit na nakanda sa loob pero nahirapan ako sa paghahanap ng pwedeng maisuot dahil kadalasan, mga balloons pants at parang sleeveless blazers ang laman ng closet. Pero may natagpuan naman ako doon na isang sleeveless na sarado ang harapan. Kulay puti at ginto ito.

Yun na ang kinuha ko at isang puti at gintong balloon pants. Siniguro ko na balutin muna ang dibdib ko ng tela para hindi halata ang dibdib ko.

Isinuot ko na ang damit at hamak na mas madali itong suotin kaysa nakasanayan kong damit. Naging komportable ako at hindi mainit ang aking pakiramdam. Hindi din siya makati sa balat. Pero napapatingin naman ako sa aking mga braso. Masyadong payat ito para sa isang lalaki. Babaeng babae ang braso ko, wala man lang kalamanlaman.

Mas tumingkad pa ang kulay ng balat ko dahil sa mga ginto. Ngunit wala na akong magagawa dahil mas pipiliin ko pa itong suotin, kaysa mamatay ako sa heat stroke dahil sa mga damit namin sa Valeria.

Lumabas na ako sa banyo at tumambad sa mga mata ko ang marangyang silid. Pula at ginto pa rin ang kulay ng loob, kahit ang kama ay tila gawa sa ginto. Galit na galit sa ginto ang Waldorf.

Napatingin naman ako ngayon kay Estrebelle na napapakunot noong nakatingin sa akin. Siguro ay nagtataka siya kung bakit payat na payat ako. Ano ba ang idadahilan ko? Nasa lahi talaga namin na mga payat? O iisipin nila ulit na dahil bata pa ako kaya ganito ang katawan ko?

Lumapit na lamang ako sa harap ng salamin upang ayusin ang aking buhok. Pero lumapit naman si Estrebelle at inayos niya ang aking buhok. Napapangiwi na lamang ako dahil halos kapareha na ito sa buhok ni Ariana Grande! Hindi na lamang ako nagreklamo dahil alam naman niya ang kanyang ginagawa.

Napapasimangot naman ako tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin. Babaeng babae ang aking mukha pero wala na akong pakialam dahil alam naman nila ang itsura ko at hindi na iyon nakakapagtaka.

Pinasuot naman ako ng mga gintong bangles ni Estrebelle sa aking magkabilang pulso. Nagsuot din ako ng kulay gintong sapin sa paa na parang mga doll shoes na may burda.

Napatigin naman ako sa kwintas ko. Kapansin pansin ang gold chain nito sa aking leeg pero ang pendant ay nasa ilalim ng aking damit. Ni minsan ay hindi ko ito hinubad at hinding hindi ko huhubarin ito. Si ate lang naman ang nakakakilala ng kwintas na ito at sa tingin ko ay wala na din ang kanyang interes dito.

"Ginoong Ales, magsisimula na po ang kasiyahan." Paalaala ni Estrebelle sa akin.

Agad naman akong tumango. Nakasuot pa rin siya ng nakagawian sa Valeria. Hindi ko alam kung hindi na siya naiinitan dahil tinitingnan ko pa lamang siya ay parang pagpapawisan na ako.

Nakatuck in ang pang-itaas na damit ko kaya nagmumukha itong jumpsuit. Lumabas na kami sa kwarto at naghihintay naman doon ang babae kanina  na naghatid sa amin sa kwarto.

"Magandang gabi, ginoo. Dito po ang daan." Bati niya sa akin at inilahad ang daanan.

Tumango naman ako at naglakad. Nauna naman ng kaunti ang babae. Umakyat kami sa ikaapat na palapag at doon ko na medyo naririnig ang malamyos na musika. Malayong malayo ito sa inaasahan ko na kagaya ng mga middle east music.

Nakita ko na bumukas ang isang pintuan na korting arko. Mas lumakas sa pandinig ko ang musika at agad na sumalubong sa aking paningin ang mga gintong ilaw. May mga pamaypay doon na malalaki at gawa ang mga iyon sa balahibo ng ibon.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon