Fire 🔸 48

7.7K 693 93
                                    

Alessia's POV

MABILIS akong napalingon at agad na sumalubong sa aking mga mata ang nakatalukbong na pigura. Agad na lumarawan sa aking balintataw ang mukha na kay tagal ko ng inasam na makita simula ng napadpad ako dito sa Wysteria.

"L-lolo..." naibulong ko at biglang nangilid ang aking luha at mabilis akong lumapit sa kanya para yakapin siya.

"Apo ko..." ganting yakap naman ni Lolo sa akin. "Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Masyadong komplikado ang lahat kaya natagalan ako." Saad niya sa akin na ramdam ko sa boses niya na naiiyak ito.

Humiwalay naman ako sa kanya habang tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya.

"Lolo, ang daming nangyari...Ang daming katanungan sa isipan ko na hindi ko alam kung ano ang sagot." Humihikbing saad ko. Kay tagal ko ng ipinagdarasal ang tagpong ito. Dahil sa lahat ng katanungan ko, si lolo lang ang makakasagot.

Hinawakan naman niya ang aking kamay at tsaka hinila ang ako patungo sa isang eskinita na walang katao-tao.

"Alam ko na marami kang gustong malaman. Pero hindi pa ito ang tamang panahon at lugar para malaman mo ang lahat. Pero isang bagay lang ang gusto kong malaman mo sa ngayon. Layuan mo ang hari, Alessia." Saad niya sa akin na dahilan para lumalim ang pagkakakunot ng aking noo.

Planado ko na ang aking paglayo, pero para sabihin iyon ni Lolo, parang may ibang dahilan iyon at gusto kong malaman kung ano iyon.

"Lolo, lalayuan ko ang hari, pagkatapos ng misyon namin. Pero gusto kong malaman ang dahilan niyo, kung bakit kailangan ko siyang layuan?" Tanong ko sa kanya. Alam ko na ang posibilidad na iyon ay ang katotohanan na hindi ako ang nakatakda sa kanya. Just what they said, the divine lady...only he could marry the king.

"Nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo na ang hari, Apo." Saad niya habang tinitigan niya ako sa aking mga mata. "Ngunit panganib lamang ang naghihintay kung mananatili ka sa tabi niya. Yung lumitaw sa harapan mo kanina, iyon ang patunay na nanganganib ang buhay mo, Alessia." Saad niya sa akin na ikinagulat ko. Alam niya ang tungkol sa bagay na iyon?

"S-si kamatayan?" Nanginginig ang mga labi ko habang binibigkas ang mga katagang iyon.

Umiling si Lolo. "Hindi iyon si kamatayan. Isa iyong maitim na kapangyarihan ng salamangkero na pumapatay. Ibig lang sabihin ay may gustong pumatay sa iyo. Apo, ayokong masayang ang buhay mo. Dahil sa pagkakataon na ito, hindi ko na alam kung mababago ko pa ba ang lahat." Paliwanag niya sa akin na sa palagay ko ay kay lalim ng sinabi niya.

"M-may...gustong pumatay sa akin? H-hindi iyon galing sa u-underworld?" Pakiramdam ko ay nanlalamig ang katawan ko dahil sa nalaman ko. May gustong pumatay sa akin at hindi ko alam kung sino iyon. Si Ate lamang ang alam kong may galit sa akin, ngunit imposibleng magagawa niya iyon dahil wala siyang kilalang salamankero at hindi basta-bastang makakahanap ng salamangkero ang isang imortal.

"Alessia, if you will die, the first sign is a sprout of the red spider lily. Pagtutubo ito sa kahit saan bahagi ng lugar na tinitirhan mo, iyon ang simbolo ng nalalapit na kamatayan ng nilalang na namamahay doon." Paliwang niya sa akin.

Wala naman akong maalala na may tumubo na bulaklak na pula—ngunit, galing ako doon sa mismong kuta.

"L-lolo, wala akong nakikitang ganyang bulaklak sa kwarto ko...ngunit narating ko ang pugad ng red spider lily, sa Callora Grande." Namumutlang saad ko sa kanya. Alam kong naipaliwanag na iyon sa akin ni Erigor na wala iyon kinalaman sa akin ngunit bigla iyon lumitaw sa isipan ko.

Humigpit ang paghawak ng kamay niya sa akin. Nakita ko ang pamumutla sa kanyang mukha na tila may sinabi akong nakakatakot. Mas lalo akong kinabahan sa reaksyon ni Lolo.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now