Fire 🔸 38

8.6K 848 94
                                    

Alessia's POV

KATAHIMIKAN ang namayani sa pagitan namin ni Erigor. Hindi ko nagawang magsalita dahil lahat ng atensyon ko ay nasa kanya. Natatakot ako na baka malingat ako ay ikakapahamak ko na kaagad. Hindi ko kayang maliitin ang kanyang kakahayan, dahil isang malaking pagkakamali na maliitin siya.

Pareho kaming naghihintay kung sino man ang mauunang umatake. Ngunit wala akong balak na mauna. I will be in the disadvantage position if I will attack first. Napatingin naman ako kay Sushi na mabangis pa rin ang mukha niya.

Mine own mistress, receiveth out from th're! Thee has't nay chance 'gainst yond creature!

Ramdam ko na totoo ang sinasabi ni Sushi. Kung tutuosin, wala akong laban kay Erigor lalo na sa pangangatawan nito na halatang batak na batak. Pero kung hindi ako lalaban, ano ang gagawin ko? Hahayaan ko lang siya na saktan ako at gawin ang gusto niya? Hindi naman ako makakapayag doon.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang umatake si Erigor at tinamaan nito ang aking sikmura kaya tumilapon akong paatras. Nagpagulong gulong ako sa halamanan at ramdam ko na nagkanda sugat-sugat ang aking mga braso dahil na rin sa mga bahagyang matutulis na mga dahon.

Akmang babangon ako ngunit halos mabaon ang aking katawan dahil inapakan ako ni Erigor sa likuran. Napahiyaw ako dahil sa sakit, yung mga buto ko ay nanganganib na mawasak dahil sa lakas at bigat ng kanyang paa na nakapatong ngayon sa aking likuran. Parang gigil na gigil ito at gusto akong wasakin.

"Lumayo ka sa akin!" Singhal ko at nagkakakawag ako para makahanap ng pagkakataon na makalis.

"Hangal! Sa palagay mo, hahayaan kitang makawala? Ito na rin ang magiging libingan mo!" Mabangis na saad ni Erigor sa akin at walang pasabing hinaklit niya ang aking bulsa na naging dahilan para mapunit iyon at makuha niya ang relikyang inaasam.

Kinabahan naman ako dahil ramdam ko ang lamig sa aking hita. Kinabahan ako bigla na baka may nakikitang hindi naman dapat sa ibaba ko. Pero sigurado ako na nakalitaw ang gilid ng hita ko.

"Pakawalan mo ako!" Nakaramdam ako ng pagkataranta kaya puwersahan akong tumihaya kahit biglang may lumagutok sa aking likod. Isang milagro na lang talaga na nakakagalaw pa ako sa lagay na ito. Kung sa karaniwan iyon, baga nabali na ang spine ko, ngunit hindi iyon nangyari, pero hindi din ako sigurado dahil nakakagalaw pa ako kahit papaano.

Nagulat si Erigor. Hindi ko ininda ang sakit sa aking likod at mabilis kong sinipa ng malakas ang kanyang binti habang nakahiga na naging dahilan para bumagsak si Erigor.

Mabilis akong bumangon at pilit nilalabanan ang sakit sa aking likod at agad akong pumaibabaw sa kanya at inabot ang bato. Ngunit mabilis ang naging galaw ni Erigor at para lang akong isang unan na mabilis niyang inikot at napa-ilalim ako. Nahindik ako sa posisyon namin, lalo na at umaalingasaw ang kanyang amoy.

Wala sa sariling napatakip ako sa aking ilong na naging dahilan para mainsulto si Erigor.

"Hangal!" Sigaw niya at mabilis ang kamay ko na sanggain ang kanyang kamay na may hawak na patalim. Hindi ko siya masipa dahil nakakandado ang kanyang mga binti sa akin. Parang alam na nito ang gagawin ko kaya ginawa niya iyon.

Malakas kong itinulak ang kanyang braso para mapailag siya dahil muntik ng tumama ang patalim niya sa sarili niya. Agad na pinagsamantalahan ko ang pagkakataon na iyon at malakas na hinampas ko gamit ang kanan kamay ko ang kanyang leeg, kung saan manghihina siya kung tatamaan ko ang ugat na iyon.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now