Fire 🔸 16

10.5K 875 184
                                    

Alessia's POV

NATAPOS akong mag-agahan ay inayos ko muna ang sarili ko bago humarap sa hari. Ayokong makita niya ang bakas ng aking pag-iyak. Ayokong dumagdag sa kanyang mga isipin.

Sinabi ko rin kay Estrebelle na huwag sabihin sa hari ang mga nakita niya. Malaki ang posibilidad na sasabihin niya iyon sa hari, kaya kinausap ko siya. Hangga't maaari, ayokong isipin ni Elijah na nag-uusap kami ng aking kapatid para hindi siya maghinala.

Naglakad na ako ngayon patungo sa kanyang silid tanggapan. Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong kausapin. Naiisip ko na baka tungkol ito sa misyon, o sasabihin niya na hindi ako pwedeng sumama sa susunod.

Maraming posibilidad pero mas napapaisip ako na baka wala sa mga naisip ko ang dahilan. Napagpasyahan ko na lang na kung ano man ang sasabihin niya ay tatanggapin ko, maliban na lang kung hindi niya ako pasasamahin sa misyon. Kailangan kong sumama, kailangan na kailangan.

Nasa tapat na ako ng pintuan sa silid tanggapan ni Elijah. Yumukod naman sa akin ang dalawang sentinels na nagbabatay at binuksan iyon.

Tumango naman ako sa kanila at pumasok na ako sa loob. Nadatnan ko naman si Elijah na nakatayo sa harap ng bintana at nakatingin sa kawalan. Lumunok muna ako bago ako nagsalita.

"Kamahalan..." bigkas ko pero hindi siya lumingon. Napaisip tuloy ako kung narinig ba niya ako. Pero nagkamali naman ako dahil nagsalita siya.

"Ales, gusto mo bang sumama?" Tanong niya sa akin habang nakatalikod sa akin.

Napakunot naman ang aking noo. Sumama saan? Tinutukoy ba niya ay ang Waldorf? Pero ayokong pangunahan siya kaya tinanong ko siya.

"Saan po kamahalan?"

"Sa Waldorf at Mythion."

Kumpirmado na iyon nga ang kanyang tinutukoy. Hindi ko ito inasahan na tatanungin niya ako kung gusto ko bang sumama, dahil mas inaasahan ko na hindi niya ako isasama kagaya ng dati.

"Oo naman kamahalan." Mabilis na sagot ko sa kanyang tanong. Nagtanong siya, ibig sabihin ay iniisip niya na isama ako sa misyon na ito at nasa akin iyon kung gusto ko bang sumama o hindi.

Pumihit naman si Elijah paharap sa akin at ngumiti ito.

"Great, then we will travel today. Estrebelle will pack your things. She will come with us as well to assist you during our stay in Waldorf and Mythion." Turan niya sa akin at nakaramdam ako ng saya pero agad naman nilukob iyon ng kalungkutan. Pero hindi ko ipinahalata sa kanya ang kalungkutan na iyon. Ngumiti ako ng malapad.

"Thank you. Akala ko hindi mo ako isasama." Pasalamat ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya naisip na isama ako, gayong noon ay ayaw niya lalo na at delikado ang paglalakbay na ito.

"Naisip ko na hindi tama na kontrolin kita at ikulong dito sa Palasyo. Gusto kong bigyan ka ng kalayaan, maranasan ang mga bagay bagay. Hindi mo iyon mararanasan sa loob ng palasyo." Sagot naman niya sa akin at tsaka umupo na siya sa kanyang upuan.

Hindi na ako umupo dahil hindi naman ako nakakaramdam ng pangangalay. Masyadong ukupado ang sarili ko para mapansin pa iyon.

"Masaya ako sa paglalakbay natin sa Eleftheria. Naisip ko na kahit delikado doon, pero hindi naman matatawaran ang magandang ala-ala na dulot nun." Saad ko sa kanya. Kahit anong delikado doon, hindi ako nagsisisi na pumunta ako sa Eleftheria. It was worth all the terror.

"Nakita ko nga na nasiyahan ka doon sa paglalakbay natin na iyon. Creating memories with you in those places, monsters and mysteries, I think that would be nice and great." Anito sabay sandal nito sa kanyang upuan. His fingers are tracing his lower lip na tila nang-aakit kaya napaiwas ako ng tingin.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Donde viven las historias. Descúbrelo ahora