Fire 🔸 44

9.2K 821 117
                                    

Alessia's POV

PIPING dasal ko na sana ay hindi pumasok ang demon sa wasak na bahay ni Honey. Dahil kung mangyayari man iyon, sigurado akong wala na akong takas. Hindi ko alam kung nasaan si Sushi ngayon kailangan ko siya. Elijah is impossible to rescue me because of the on-going crisis at naiintindihan ko iyon. They cannot prioritize me especially when the town is in crumble. Mas importante ang nakararami kay sa isang tao lang.

Naitakip ko sa aking dalawang tenga ang aking mga kamay nang marinig ko na tila kinakain ng demon ang katawan ng bangkay. Pinuno ng kilabot ang buo kong katawan at walang humpay ang aking mga luha. Pigil na pigil ko ang aking iyak dahil natatakot ako na mapansin ng mga demons. Gustong gusto kong pumalahaw sa takot ngunit mas natatakot akong mapansin ng mga demons at ako ang susunod na kainin.

Kumalat ang amoy ng dugo sa paligid na naging dahilan para mas naging masama ang pakiramdam ng tiyan ko na gusto kong masuka. Iba ang dating ng dugong naamoy mo sa hayop, kasa dugong naaamoy mo na mula sa taong kinakatay.

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na tinakpan ang aking tenga. Nangingilid ang luha ko at pigil na pigil ang mga hikbi ko kahit halos sinukin na ako sa pagpipigl. Ngunit nang tumagal ay ibinaba ko na iyon at payapang katahimikan na ang aking naririnig. Kapayapaan na tila walang nangyaring sigalot. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang katahimikan na ito. Tanging naririnig ko lamang ay tunog ng mga natutupok na bagay.

Ngunit kahit ganoon ang naririnig ko. Natatakot ako. Natatakot akong tumayo at humakbang palabas. Paano kung nakaabang lang ang mga ito sa labas at oras na lumabas ako ay aatakehin ako? Iyon lagi ang nakikita ko sa mga palabas na kinaiinisan ko. Alam na may halimaw na labas, lalabas pa talaga para tingnan. Kaya ang ending, nakain tuloy ng halimaw. Those stupid story line makes me don't want to watch horror movies dahil kadalasan, mga tanga ang karakter.

Sumandal ako sa maliit na tokador at tulalang nakatingin sa sahig. Naisip ko na kung hindi ako napadpad sa lugar na ito, hindi ko ito mararanasan. Siguro sa ngayon, kung nasa normal na mundo ako ay magiging abala ako sa trabaho ko bilang isang engineer. Not like this, fighting demons who's beyond my capability. I just want to plan and build houses, builings and landmarks. I never wish for this.

Nararamdaman ko na lang ang pagpatak ng maiitim na tila abo. Hindi na iyon nakakapagtataka dahil sa mga nasusunog na kabahayan. It keeps falling down like the sky is raining with black ashes. Hindi ako gumalaw dahil natatakot pa rin ako.

Halos mapatalon na lamang ako dahil biglang may lumitaw sa harapan ko na may pamilyaridad ang kasuotan.

Napatingala ako para makita ko ang kanyang mukha. Nangilid ang mga luha ko nang masilayan ko ang kanyang mukha na nababalot ng pag-aalala.

"Elijah..." mahinang bulong ko at mabilis na tinawid ni Elijah ang espasyo sa pagitan namin dalawa at agad na niyakap ako.

Mahina akong napahikbi dahil ang akala kong takot na hindi mawawala ay tuluyan ng natapos nang masilayan ko siya.

"I'm sorry sweetheart. It took me a longtime to find you." Mahinang saad ni Elijah ngunit ramdam ko sa kanyang boses na tila galit ito sa sarili.

Umiling ako. "Don't be sorry. It's not your fault. Tsaka dapat mong unahin ang kapakanan ng nakararami." Sagot ko sa kanya. Hindi naman pwedeng magalit o kaya ay magtampo ako sa kanya dahil doon. Kahit saan dako ng mundo, ang kapakanan ng nakararami ang mahalaga.

"But—"

"No buts. You did nothing wrong Elijah." Pigil ko sa kanya. Ayokong isipin niya na isang pagkakamali na inuna niya ang iba kaysa sa akin. I don't want him to be selfish.

Hindi na umimik pa si Elijah. Nanatili siyang nakayakap sa akin na tila mawawala ako ano man oras. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin na tila may kinatatakutan ito.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin