Fire 🔸 27

10K 909 108
                                    

Alessia's POV

NATAPOS na akong kumain ng mansanas at uminom na rin ako ng tubig. Sinamahan ako ni Elijah dito sa loob ng tent. Hindi na siya lumabas simula nang makabalik siya para kumuha ng tubig.

"Matulog ka na." Saad naman ni Elijah sa akin kaya naman ay humiga naman ako.

"Paano ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung matutulog ba siya o lalabas pa.

"I'm gonna sleep too." Sagot niya sa akin na tila isang natural na bagay lang iyon sa kanya.

Humiga na ako sa isang tela doon at ginawa kong unan ang aking braso at patagilid akong humiga. Pumwesto naman si Elijah para makahiga ngunit hinila naman niya ako kaya napaunan ako sa kanyang braso at kinabig niya ako papalapit sa kanyang katawan.

Nakaramdam ako ng init sa aking mga pisnge. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako ng maayos sa sitwasyon na ito, lalo na at amoy na amoy ko ang bango ni Elijah. Napaisip tuloy ako kung mabaho na ba ako, lalo na at pinagpawisan ako kanina. Pero bakit ko pa iisipin iyon, lahat naman kami dito hindi pa nakakaligo dahil walang lugar na pwedeng pagliguan dito.

"How old are you exactly, Elijah?" Tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung ilang taon na ba siya. Alam ko na higit isang libong taon na siya, pero hindi ko naman alam kung ilan talaga.

"Sigurado ka ba na gusto mong malaman?" Tanong niya sa akin at ramdam ko na humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa iyo." Naging sagot ko sa kanya.

"Ako dapat ang nagsasabi niyan sa iyo. I wanted to know everything about you, sweetheart...every details about you." Tugon niya sa akin.

"Ordinaryo lang ang naging buhay ko, Elijah. Mas gusto kong malaman ang sa iyo." Sagot ko sa kanya habang nakatitig lang ako sa palapad niyang dibdib.

"I am...four thousand years old, Alessia. I was born before christ. My parents are farmers from Canan. We are twelve in the family. Most of my siblings are mining an ore as their job, while I choose to be a fisherman. Hindi ko ramdam ang kahirapan noon, dahil walang mayaman at mahirap sa panahon na iyon. Walang pera, kundi palitan lang ng mga aria-arian. Ang mga lupain ay pag-aari ng lahat, na pwedeng sakahan. Hanggang ang mga taga ehipto ay dumating at kinamkam ang lupain ng mga taga Canaan."

"Pinatay nila ang lahat ng mga hindi sumunod at inalipin kami. Lahat ng mga naaani namin, sa hari ng ehipto napupunta. Doon nagsimula ang kahirapan. Namatay ang mga kapatid ko dahil sa pagpapahirap ng mga taga ehipto. Tatlumpong taon gulang ako noon nang tuluyan na akong maulila. Dahil sa pighati, kahit bumabagyo, pumalaot ako. Inisiip ko noon na gusto ko ng mamatay dahil wala ng silbe ang buhay ko. Hinayaan kong tangayin ang malaking bangkang sinasakyan ko ng mga higanting alon. Hindi ko na alam ang mga nangyari ngunit nagising na lamang ako na nasa Wysteria na ako."

"Hindi ko alam noon na Wysteria ang pangalan nito. Ang alam ko lang, ito ang pinakamagandang lugar na nakita ko sa buong buhay ko. Inakala ko ay ito na ang paraiso na naghihintay sa akin pagkatapos ng kamatayan ko. Hinanap ko ang mga magulang ko at mga kapatid. Iniisip ko noon na nandito sila dahil ito ang paraiso. Ngunit hindi ko sila natagpuan...iba ang natagpuan ko. Ang mga diwata na may mga kapangyarihan. Muntik na nila akong paalisin at ibalik sa kung saan man ako nanggaling dahil hindi ito pwedeng marating ng isang tao. Ngunit nagmakaawa ako dahil wala na akong pamilyang mababalikan. Naawa sila sa akin, ngunit sinabi nila na ang buhay ko ay isang kapiraso ng alikabok lamang. Ang itatagal lamang ng buhay ko ay tatlong daan taon, normal iyon sa isang tao noon."

"Inalok nila ako ng buhay na walang kamatayan. Pumayag ako, dahil sa pagkakataon na iyon, ang mga diwata ay hindi umeedad at tumatanda. Pinainom nila ako sa isang tubig na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Doon ako naging imortal. Ngunit hindi iyon nagtagal ay biglang nawala ang mga diwata. Wala silang sinabi o naging habilin sa kanilang pagkawala. Nag-iisa na lang ako sa Wysteria. Kaya ang ginawa ko ay pumalot ulit ako para manghikayat ng mga tao na sumama sa akin at dito na manirahan. Hindi naman ako nabigo, dahil marami ang sumama sa akin. Ilang taon ko iyon ginawa hanggang sa tumigil na ako."

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now