Fire 🔸 35

9.4K 888 43
                                    

Alessia's POV

NAKATULALANG kumakain ako ng inihaw na karne. Hindi pa rin ako makapaniwala na panaginip lang ang lahat ng iyon. Pakiramdam ko ay totoo ang nangyaring aksidente sa akin. Kahit pilitin kong kumbinsehin ang sarili ko, may kung ano sa kalooban ko na nagsasabing totoong nangyari ang mga iyon.

Ngunit mas naging magulo ang isipan ko dahil sa hindi ko inasahan na panaginip—ang tungkol sa mga diwata na siyang unang nanirahan dito sa Wysteria.

Ang Agamemnon na nasa panaginip ko ay malayong malayo sa inaasahan ko. Sa isipan ko o imahenasyon, punong puno siya ng kadiliman at nakakatakot. Ngunit kabaliktaran siya sa aking panaginip. Isa siyang napakagandang nilalang na kayang gawin ang lahat upang maprotektahan ang kanyang anak. Isa lang siyang ama na mahal na mahal ang anak. Ngunit ano ang sinasabi nila Sushi na si Agamemnon, ang hari ng dilim ay siyang maghahatid ng kapahamakan ng lahat?

Pinaglalaruan lang ba ako ng aking isipan? Dreams are not real, kaya posibleng gawa gawa lang iyon ng imahenasyon ko. Pero hindi ko mapigilan na mapa-isip sa mga posibilidad. Hindi ko din naman masisiguro na si Agamemnon nga ang nasa panaginip ko. How can I dream someone without meeting him? Not unless my subconscious is making up images again. Madalas naman iyon sa panaginip na nasa isang lugar  tayo na hindi natin alam at kung saan. Mga taong hindi pa natin nakakasalamuha.

Ngunit paano kung ang inakala namin kaaway, ay siya pala ang biktima? Sino ba ang nakasaksi sa huling digmaan ng mga diwata? Ang mga mahiwagang nilalang na nabuhay noon pa man ang tanging saksi. Napatingin ako kay Sushi na ngayon ay tahimik na nakatingin sa apoy na tila kay lalim ng inisip. Ngunit sinabi sa akin ni Sushi na ang hari ng dilim ay masama. Kung mabuti ang hari ng dilim, hindi niya dapat iyon sinasabi.

Hindi ko magawang gulohin si Sushi, lalo na at gising na ito ngayon sa wakas. Ngunit mukhang hindi pa ito maayos dahil nakatulala lang ito habang nakatingin sa apoy. Gusto kong alamin ang kung ano man ang nasa kanyang isipan ngunit hindi ko alam kung paano iyon gagawin.

Ang karneng kinakain ko ay katulad na katulad sa nakain kong sinasabi ni Erigor na panaginip ko lang. masarap at ramdam ko ang labis na gutom. Dahil ba sa hindi ako kumain kahapon simula nang dumating ako dito? Malamang iyon na nga ang dahilan.

"Ales, may pupuntahan tayo ngayon sa may silangang bahagi." Saad niya sa akin habang ngumunguya ng pagkain.

Napakunot noo naman ako. Madaling araw ngayon at ano ang gagawin namin sa silangang bahagi?

"Saan?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko sinubukan na magreklamo dahil hindi ko pa naman alam ang dahilan niya. Hindi ako magrereklamo sa isang bagay na hindi ko pa alam.

"Red Spider Haven." Sagot niya sa akin.

Pulang gagamba? Paanong gusto niya kaming pumunta doon? Sigurado ba siya? Sa pangalan pa lang, alam mo na makamandag ang mga gagambang iyon.

"B-bakit pupunta tayo sa mga gagamba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngayon pa lang ay ayoko ng sumama.

Natawa naman si Erigor dahil sa naging tanong ko. Gusto kong mapasimangot pero hindi ko iyon ginawa. Kung ano man ang rason sa pagtawa niya ay siya lang din ang nakakaalam.

"Walang gagamba doon. Iyon ang pangalan ng lugar na iyon." Sagot niya sa akin na natatawa pa rin. Kung hindi ko lang alam, iisipin ko na nasisiraan na siya ng bait dahil sa isang simpleng bagay ay natatawa na siya.

Kahit nagmukha akong tanga, hindi ko magawang matawa. Siguro dahil sa mga katanungan sa isipan ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain. Hindi ko na alam kung anong oras na, pero sa palagay ko ay malapit nang magliwanag base na rin ito sa kulay ng kalangitan.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now