Fire 🔸 17

10K 883 233
                                    

Alessia's POV

NAGMULAT ako ng mata at sumalubong sa aking paningin si Elijah na ngayon ay nakatayo sa harapan ko at nakakunot noo.

Gusto ko naman mapasimangot dahil naaalala ko ang mga sinabi ni Ynna. Sinungaling! Gustong gusto ko siyang sigawan pero di ko ginawa. Wala ako sa lugar, at hindi ko rin dapat iyon gawin.

"Bakit kamahalan?" Pilit na kalmadong tanong ko sa kanya kahit yung kalamnan ko ay nanginginig dahil gusto kong malaman ang totoo.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Pakiramdam ko ay napapansin niya na hindi maganda ang dating ko.

Tumiim bagang naman ako. "Wala naman kamahalan." Sagot ko sa kanya kahit gusto kong isigaw na meron. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil magmumukha akong walang isip, kung magpapaalipin ako sa nararamdaman ko.

Tinitigan naman ako ni Elijah na tila binabasa niya ako kaya mas lalong pinagbutihan ko ang pagpapanggap na maayos lamang ako.

"It doesn't look nothing to me, sweetheart. I already told you, I trust my instinct more than my eyes when it comes to you." Saad niya sa akin at gusto ko naman sampalin ang sarili ko. Nararamdaman niya kung hindi maganda ang nararamdaman ko. I can deceived him visually, but not his instinct.

Bumuntong hininga naman ako. "Wala talaga. Kulang lang ako sa tulog kagabi kaya hindi ganoon kaayos ang pakiramdam ko. But really, nothing. You're just over thinking." Sagot ko naman sa kanya na sana ay maniwala siya.

Tumaas naman ang kanyang kilay. "Keep lying, sweetheart." Saad niya at talagang mas lumapit ito sa akin.

"Please stand back. Ayokong mageskandalo dito kamahalan." Pigil ko sa kanya lalo na at napapatingin sa amin ang iba namin mga kasamahan. Pero ang mga sentinels na kasama namin sa Eleftheria ay tila walang nakikita.

Nakita ko naman na nagtiim bagang si Elijah. "Fine. Kung ayaw mong sabihin ngayon, at least tell me later on." Hingi naman niya sa akin.

Marahan akong tumango at umatras ako para makalayo sa kanya. Hinayaan niya lang ako, pero hindi niya ako nilubayan ng tingin. Tumalikod na ako at pumunta sa dako kung saan nandoon ang ibang serbidora na maglilingkod sa mga sentinels doon sa Waldorf.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pang magdala ng mga serbidora, hindi ba uso sa kanila ang hospitality sa Waldorf? O baka naman dahil ayaw magtiwala nila? That makes sense. Uso noon unang panahon ang panglalason sa pagkain kaya mga pinagkakatiwalaan lamang ang humahawak sa pagkain ng hari. Siguro ay ganoon ang dahilan at nakasanayan na rin.

Nakita ko naman na napapatingin sa akin ang mga serbidora at biglang kikiligin. Pamilyar sila sa akin ngunit hindi ko lang alam ang kanilang mga pangalan.

Napahawak na lamang ako sa balustre ng barko at tinanaw ko ang tanawin na nadadaanan namin. Natatanaw ko ang bulkan ng Eleftheria pero masyado itong malayo. Palayo kami doon sapagkat, nasa timog kanlurang bahagi ang Waldorf. Nasa timog silangan naman ang Mythion.

Natatanaw ko rin ang karagatan na malawak at mukhang mapayapa. Ngunit nakikita ko ang maya't-mayang pagkidlat na dumadaloy iyon sa dagat. Unang tingin pa lang ay malalaman mo na hindi ito ligtas.

Nang lumagpas na kami sa hangganan ng Valeria, kitang kita ko na ang kaibahan ng Waldorf. May iilan bahagi doon na isang disyerto. Hindi, disyerte talaga ang Waldorf dahil wala akong nakitang mga kakahuyan. Kundi malalawak na desyerto.

May nakikita naman ako na mga nayon na hindi ako sigurado kung anong lugar iyon. Sa palagay ko ay ang bayan ng Vassador iyon kung pagbabasehan ko sa mapa.

Ang mga bahay doon ay nagiging pamilyar sa akin. Para siyang mga kabahayan na napanood ko sa Aladdin. Very arab at napapaisip na rin ako kung ano ang kasuotan nila, kung katulad din ba ng mga arab.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon