Fire 🔸 3

12.5K 931 175
                                    

Alessia's POV

MAGKASABAY kaming naglakad ni Elijah pero sa akin naman siya nakasunod. Lahat nang nadadaanan namin ay napapatingin sa amin sabay yukod. Pareho kaming hindi nagsasalita ni Elijah.

Ilang hakbang na lang ay mararating na namin ang aking kwarto. Agad na natanaw ko ang pintuan ng kwarto ko kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang at inabot ko ang hawakan at pinihit iyon upang bumukas.

Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang amoy ng bulaklak. No, it's my fragrant lingering in this room. Hindi ko alam pero ganoon ang amoy ko, amoy sampaguita na hindi ko alam kung bakit.

Agad na tumayo si Estrebelle at binati kaming dalawa ni Elijah.

"Estrebelle, maaring ba na lumabas ka muna?" Hingi ko sa kanya.

Wala naman akong makitang reaksyon sa kanyang mga mata at mabilis na tumalima si Estrebelle na parang kailangan na kailangan niya iyong gawin.

Mabilis na isinarado ni Estrebelle ang pintuan kaya kaming dalawa na lang ni Elijah ang nasa loob ng kwarto. Napatingin ako sa puno, alam ko na hindi iyon mapapansin lalo na at nahaharangan iyon ng kurtina ng higaan ko.

"Halika." Yaya ko kay Elijah at nagpatiuna akong maglakad sa kanya.

Walang kibo na sumunod sa akin si Elijah at pumatungo ako sa puno at huminto ako sa harap nito. Naramdaman ko din ang pagsinghap ni Elijah na alam ko ay nagulat ito sa nakikita ngayon.

Ayokong basagin ang kanyang pagkagulat kaya nanatili akong tahimik at nakikiramdam.

"How is this possible?" Mabilis na tanong ni Elijah at tumabi siya sa akin.

Napalingon naman ako sa kanya at nakatingin siya ngayon sa puno. Puno nang pagtataka at pagkamangha ang kanyang mukha na hindi ko nakasanayan. Si Elijah yung tipong kahit gulat na, hindi mo pa rin mapapansin na nagulat na pala.

"Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Isang araw, tumubo na lang siya." Sagot ko naman sa kanya. Pero malaki ang pakiramdam ko na nahalo iyon sa lupa. "May nangyari kasi noon. Aksidenteng nabasag ni Sushi yung paso ng bulaklak. Pati yung mga halaman gamot din ay nagkalat sa sahig, mukhang nahalo sa lupa ang binhi."

"Pero hindi ito tumutubo kahit anong gawin pagpapatubo nito." Nagtatakang saad pa rin ni Elijah. Alam ko na isang kataka-taka ito pero wala akong magagawa dahil kahit ako ay nagtataka din.

"Hindi ko talaga alam kung paanong tumubo siya." Tugon ko sa kanya.

Ibinaling naman niya sa akin ngayon ang kanyang paningin at ngumiti. "I don't know what's the mystery lies with this three, but I am still thankful. This is the only tree of life remaining now. In your room." Saad niya sa akin.

"Ah, should we transfer it outside?"

Umiling siya. "This tree is very delicate. Nakikita ko na komportable siya sa kinalalagyan niya ngayon. I think it's better to let it stay here." Saad niya sa akin at napatangu-tango naman ako pero nagulat naman ako nang biglang hapitin niya ako at agad na nagdikit ang making mga katawan.

Napalunok ako nang tingnan niya ako na parang ako ang pinakamagandang bagay sa buong mundo. His eyes, like the universe is inside it, he really has a beautiful eyes laced with thick lashes. Kumpara sa mata ko na kulay emerald. His black long hair framing his face is like a glory.

"Uhmm, what are you doing?" Pigil kabang tanong ko sa kanya. He's acting this way at hindi ako sanay. Hindi naman dapat ako magiging sanay dahil wala akong naging karelasyon kailanman sa buong buhay ko.

"I hate it when we are like thieves. Stealing time just to see you. Don't have the freedom to be with you." Malungkot niyang saad sa akin.

Naiintindihan ko siya dahil ganoon din naman ang nararamdaman ko. But we have to do it that way.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now