Fire 🔸 39

9.5K 921 122
                                    

Alessia's POV

NAPAPAHID ako sa aking luha dahil lumalabo ang paningin ko sa ilalim ng bangin. Parang hindi ko matanggap na nahulog siya sa bangin at ako ang iniligtas niya, na dapat ay siya ang iniligtas ko. May nagawa man siyang mali, ngunit nagbago ang tingin ko sa kanya. Sa bawat kasamaan ay may nakakubling kabutihan. At kagaya ng kabutihan, na may nakapailalim na kasamaan.

Pati ang relikya ay nahulog din sa bangin. Bakit parang mas lumalala ang mga pangyayari? Kailan ba matatapos ang mga problemang ito? Paano ko sasabihin kina Elijah—o mas tamang sabihin na kung paano ako makakalabas dito ngayon wala na si Erigor?

Napakuyom ako sa aking mga palad at naramdaman ko na lang ang napunit na tela mula sa leeg ni Erigor. Itinaas ko iyon para tingnan. Maruming marumi ang tela at napansin ko rin ang napigtas na kuwintas ni Erigor. Ang batong nililok niya na ngayon ay nakikita ko na ng malapitan.

Magaspang ito at masasabi ko na pangit ang pagkakalilok nito, pero kung iisipin ko, ito na lang ang ala-alang natitira kay Erigor, kasama ang lugar na ito na tinawag niyang La Krispana.

Binitawan ko ang maruming tela. Ang kwintas na siyang ala-ala ni Erigor ay itinago ko sa aking bulsa. Kahit kailan, hindi ko makakalimutan ang pangyayaring ito. Babaunin ko ito, at si Erigor na siyang nagligtas ng buhay ko. Dahil kahit balibaliktarin ko ang mundo, kung hindi niya ako inihagis, isang malamig na bangkay na ako ngayon sa ibaba ng bangin na ito.

Pinahid ko ulit ang aking luha at biglang may tumahol sa aking likuran. Napalingon naman ako at nakita ko si Sushi. Biglang may malakas na umatungal ulit sa malayo kaya napalingon naman ako sa pinagmulan.

"Cerberus." Naisambit ko. Bumilis ang paghinga ko. May nangyayari ba para umatungal ng ganoon kalakas ang Cerberus?

Napatingin ako kay Sushi na ngayon ay nakadapa na sa lupa na tila sinasabi nito na sumakay ako sa kanyang likuran para makaalis kami dito sa Red Spider Haven.

Wala na akong sinayang na oras kaya tumakbo ako palapit kay Sushi at agad akong sumakay sa likuran niya. Binigyan ko ng kahuli-hulihang tingin ang mga isinumpang bulaklak bago tumayo si Sushi at derechong nilagpasan nito ang entrada. Sa halip ay dumerecho siya sa lugar kung saan hindi naaabot ng mga bulaklak at nanlaki na lamang ang aking mga mata nang makita ko na panibagong bangin iyon.

Ngunit huli na ang lahat para mapigilan ko si Sushi dahil tumalon na si Sushi pababa. Napatili na lamang ako at napayakap na ako kay Sushi. Natatakot ako sa oras na maging maluwag ang kapit ko ay mahuhulog ako.

Ngunit nakita ko na ang bangin na tinalon ni Sushi ay ang daan bago pa ang yungib. Pagkalapag ni Sushi ay halos mahulog naman ako dahil sa pagkakaalog ko. Hindi ko pa naaayos ang sarili ko ay mabilis na tumakbo si Sushi.

"Be careful Sushi!" Naitili ko na lang habang mahigpit akong nakakapit sa kanyang makapal na balahibo.

I'm s'rry mine own mistress. But we needeth to reacheth the coven bef're it's too late.

Saad niya sa akin. Alam ko na nagmamadali si Sushi dahil alam ko na may nangyayaring hindi maganda sa Cerberus. Ngunit kung hindi siya mag-iingat, baka ako naman ang mapahamak sa lagay na ito.

"I know, but I don't want to die because I fell off your back." Sagot ko naman sa kanya at nagiging pamilyar na sa akin ang daan.

Don't w'rry, mine own mistress. Thou art safe on mine own backeth.

Sagot naman niya sa akin na parang siguradong sigurado siya. Siguro nga, dapat mag-ingat din ako. Kakapit na lamang ako dahil ayokong mamatay dahil sa sarili kong katangahan.

Parang iglap lang ang paningin ko ang paligid dahil sa sobrang bilis ng takbo ni Sushi. Narinig na lang namin ang malakas na atungal ng Cerberus at mga boses ng mga—tao?

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon