Fire 🔸 37

8.9K 846 68
                                    

Alessia's POV

I WILL die...

Pinanghihinaan ako ng kalooban dahil sa katagang iyon na lumulunod sa isipan ko. Paano kung oras na hawakan ko ang bato, mamamatay ako? Ano ang silbe ng pagpupumilit ko na mabuhay, kung sa huli ay masasayang lang din naman iyon? Nasa isang mahirap ako na sitwasyon na kailangan kong mamili. Kaya ko bang isugal ang buhay ko para makatakas ako? Aanhin ko pa ang kagustohan na makalabas dito, kung mamamatay din naman ako?

"Is...there any other way for me to get out of here?" Hindi ko mapigilan na tanong. Natatakot akong tumaya. Alam ko na naduduwag ako, ngunit mahirap sumugal sa isang bagay na hindi mo alam ang mangyayari at walang kasiguradohan.

That's the only way and choice thee has't, daught'r of eve.

Pinanghihinaan ako ng kalooban at kinakain ako ng takot. Ngunit kung wala akong gagawin, habang buhay akong makukulong sa lugar na ito. Ni hindi ko na pinagkaabalahan ang pagtawag niya sa akin ng daughter of eve. That's the very least of my concern.

Paano mo malalaman kung magtatagumpay ka na kung hindi mo susubukan?

Parang tunog ng kampana iyon na umaalingawngaw sa aking tenga. Iyon ang sinabi sa akin ni Erigor sa aking panaginip. Paano ako magtatagumpay, kung sa simula pa lang ay natatakot na akong sumubok at sumugal?

Pero ang bagay na ito, buhay ko ang nakataya at kung mali man ako sa pag-asang hindi ako mamamatay, wala na akong pagkakataon na maitama ang mga mali ko. It's okay to be afraid, but it doesn't mean I am losing my courage.

Napalunok ako at napatitig sa bato. Maaari ko itong ikamatay, ngunit kailangan kong subukan. Kung wala akong gagawin, pareho pa rin naman ang kakahinatnan ko. I'll die because of starvation. Mas mabuti na lang siguro na mamatay kaagad ako, kaysa maramdaman ko pa ang paghihirap ng matinding gutom.

Napakuyom ako sa aking palad at nakaramdam ako ng panlalamig. Malakas ang tambol ng aking dibdib at ramdam ko ang pamumuo ng aking pawis, kahit nakatayo lamang ako. It feels like my muscles are overworked for nothing. I suddenly feel the fatigue on my body, it's starting to crawl like a parasite in the every fiber of my body.

Inihakbang ko ang aking kanang paa papalapit sa bato. Kasabay nun ay ang pagbagsak ng isang butil ng pawis ko. Tila kakapusan ako ng hininga dahil sa nararamdaman ko at inihakbang ko naman ang aking kaliwang paa.

Para akong isang robot na naglalakad, mabagal at gustong umatras ngunit pinipilit na sumulong. Hindi ko mabilang ang ilang beses kong paghinga ng malalim at ang panginginig ng kamay ko kahit wala pa akong ginagawa.

"Diyos ko, tulungan mo ako." Halos maiyak na sambit ko. Sa ngayon, diyos lang ang makakapitan ko. Walang ibang makakatulong sa sarili ko kundi ako lang. Ipinagdarasal ko na ang kaligtasan ko.

Malapit na ako sa bato at napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko na ang init na nagmumula dito. Napalunok ako at nanginginig ang aking kanang kamay na ini-angat iyon upang abutin ang relikya.

Mapagkakamalan na pasmado ang aking kamay dahil sa panginginig nito at tila naninigas ang kalamnan ng aking braso. Basang basa na ang mukha at leeg ko dahil sa pawis na tila walang balak nang huminto.

Para na rin tinatambol ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nagiging blanko na ang isipan ko at wala ng ibang laman iyon kundi ang abutin ang bato. Ang tanging hiling ko lang ngayon ay ang huwag akong mamatay. Na sana ay makalabas ako ng ligtas sa lugar na ito.

Kahit sa sobrang takot na pilit kong nilalabanan, pikit matang inabot ko ang bato. Naramdaman ko iyon sa aking palad at biglang dumaloy sa aking katawan ang tila kuryenteng nagmumula sa bato. Napasigaw ako sa sobrang sakit dahil sa kuryenteng dumaloy sa hawat himay himay ko. Hindi iyon masarap sa pakiramdam dahil tila inalog ang buo kong kalamnan at naramdaman ko na lang ang biglang pagpapakawala ng isang malakas na puwersa na bumasag sa paligid.

Immortal's Fire |Immortal Series Two|Where stories live. Discover now