Chapter 1

38K 519 27
                                    

Chapter 1: Running Away

Ciara / Cyienna

"Cyienna! Ano na naman ba 'tong nalaman ko, ha?!"

Nasa pinto palang ako ng bahay namin, sigaw 'agad ni Mama ang narinig ko. Hindi ako tumuloy dahil alam kong mapapagalitan niya ako. Ayokong pumasok 'no! Lagot ako kay Mama, knowing my mother. Kayang kaya niya akong ibalik sa sinapupunan niya sa isang sigaw niya lang.

May takot rin ako sa Mama ko, 'no.

Ang totoo n'yan, hindi pa dapat ako uuwi dahil may klase pa ako hanggang hapon pero dahil sa nangyaring away kanina laban sa mga lalaking gumugulo ng buhay ko, nagawa kong umuwi dahil na rin... expel na ako.

Wala naman kaso 'yon. Ang mahalaga makakalaya na ako doon. 'Lagi kaya akong napapaaway sa dati kong School kaso magaling ako kaya ako ang laging panalo. Mga tanga lang talaga sila, lagi naghahamon tapos sila talo. Ang popogi nga kaso basagulero.

"Cyan! Papasok ka dito o papasok ka?!"

Napakamot ako sa noo bago dahan dahan buksan ang pinto. Napaatras rin ako agad nang may makita ang hawak niya.

May hawak siyang hanger, tsinelas, at sinturon! Ayoko niyan! Kahit nasa ibang bansa kaming dalawa ni Mama, hindi pa rin niya nakakalimutan na isa siyang Filipinang nanay, iyong namamalo gamit ang tsinelas o hanger? Ibang klase talaga ang Mama ko.

Kumuha ako ng unan pang-harang para protektahan ang sarili ko. "Ano ba ang nalaman mo?"

"Nalaman sa Dean na expel ka dahil sa away mo ng mga kaklase mo." Binaba niya ang hawak kaya napahinga ako nang maluwag pero dinampot niya ulit kaya napaatras ako. "Jusko ka naman, Cyan. Sa lahat ng School sa US napasukan mo na pero dahil basagulera ka, napapatalsik ka! Tsaka, sigurado akong wala nang tatanggap sa'yo na eskwelahan dahil sa bad records mo!'

Sumimangot ako. "E, Mama, kasalanan nila 'yon. Kung hindi nila ako ginugulo, hindi ako babawi o ipagtatanggol ang sarili ko. Kasalanan nila. Tapos kapag hindi ako bumawi o hinayaan ko... lalo silang mangagago paano naman ako? Parang hinayaan ko sila na ganunin ako lagi." Anong gusto nilang gawin ko? Magpaapi? Hindi ko ugali 'yon. Bakit naman ako magpapaapi?

"Kahit na, Cyan! Hindi ka pa rin dapat lumalaban. Tingnan mo ang nangyari, tanggal ka na naman."

Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong marami pa siyang isasagot.

"Ganito nalang ba palagi? At since wala ka naman yatang balak nang pumasok. Tutulong ka na sa akin sa pag-serve sa Royale Palace." Kinuha niya ang cellphone sa bag. "I'll call your personal assistant, Cyan. Pupunta na tayo sa Palace, we'll spend our days there."

Natigilan ako. "Ma, alam mong ayaw ko doon!"

"May usapan tayong dalawa, Cyan. Ang usapan natin kapag nagtino ka, hindi ka pupunta sa Royale Palace for your training to be a Queen, right? You'll serve as a Queen not a Princess, Cyienna."

"Pero, Mama! Alam mong ayaw na ayaw ko d'on! Dahil kontrolado ang buhay ko kay Lola! Lahat ng gusto niya kailangan kong gawin at 'yon ang ayaw ko! Ayokong kinokontrol ako!" Gusto kong sumigaw dahil sa balak niya. "Hindi ako robot para kontrolin!"

Walang emosyon ang mata ni Mama habang nakatingin sa akin. "Deal is a deal, end of our conversation."

"Bakit hindi na lang ikaw magpatuloy?! Tutal Reyna ka naman!" Yes, you heard me right.

My mother is a Queen at Balveria Palace, doon kami noon nakatira pero dahil may kasunduan kami ni Mama na mag-aaral ako at magtitino, sa US kami pansamantalang nanirahan. May kasunduan kaming dalawa na sa oras na gumawa ako ng gulo o ma-involve ang pangalan ko... putol na ang kasunduan naming dalawa.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now