Chapter 41

10.1K 239 59
                                    

Chapter 41: Cagayan Trip

Cyienna / Ciara

Hindi ko talaga napigilan ang umiyak dahil lang sa pagmamakaawa kay Tita Naddie. Tinanong pa ako ni Luther kung bakit ako umiiyak, pero ang sagot ko, tears of joy dahil nanalo ako as Queen of the night.

Kinakabahan na talaga ako sa posibleng mangyari sa mga susunod na araw.

"Let's have fun!" sigaw ni Rona nang matapos ang ball night.

Nag-aya sila sa isang exclusive club nina Leo kung saan sila umiinom nang matapos ang gabi. Hindi ko tumanggi. Maraming tao sa lugar, anytime pala pwede sina Luther pumunta dito..

Noong una ay tumatanggi ako sa bawat bigay niya kalaunan ay tinanggap ko nang malasahan kong masarap pala.

"Ciara, this is Mayor Tolentino," pakilala ni Luther, nakahilig na siya sa braso ko. "This is my friend, actually. Isa siya sa mga nagkakasal ng couples, or sa mga gustong magpakasal."

Ngumiti ako. "Hi!" Nahihilo na ako, wala na akong panahon makipag-usap sa kaniya.

"Hey, nice to meet you," sambit ni Mayor Tolentino. "Your girlfriend?" Baling niya kay Luther.

"Hindi pa, but she will," naramdaman kong hinalikan ako ni Luther sa pisngi.

"Huh? But why? You two are perfect for each other."

Natawa ako. "Actually, gusto ko asawa na," pagbibiro ko ba sinabayan ng tawa.

"I wanted that too, why don't we get married?" sinabayan ni Luther ang biro ko. "Hey, hey, I want to get married!"

Natawa si Mayor Tolentino at bigla namang nagdatingan ang mga kaibigan namin.

Hindi ko na rin alam ang nangyari dahil tuluyan akong nalasing sa dami ng binigay ni Jillian sa akin.

"Hey, sign it," may binigay na paper sa akin si Lawrence. "Hey, Zander, sign it."

"Huh? For what? What is-."

"Just damn sign it." Binigyan ni George ng ballpen si Luther. "Luke, where's the other pen? Give it to her." Binigyan ako ni Luke ng ballpen.

Hawak ako ni Jillian habang may tinuturo sa harap ko kung saan raw ako pipirma. Si Luke ay hawak si Luther at may tinuturo rin. Pilit na kumakawala si Luther kaso may ipapagawa yata si Luke.

"Here, 'yan," narinig ko ang sabi ni Lawrence. "Hey, give it to me! Then submit it!"

"What the hell was that?" Balak pa yatang kunin ni Luther ang papel kaso hinablot ni George ang papel.

"It's done! We can party now!" May hinagis na papel si George mula sa ere.

Nakisaya nalang rin ako. Niyaya kong bumaba sina Rona sa dancefloor para doon magsayaw.

"Wait, shit, Ciara, where the hell are your sandals?" Hawak ni Luther ang braso ko habang naglalakad kami palabas. "Fuck. Baka naiwan mo doon sa table natin?"

Hindi ko siya sinagot. Masakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay masusuka na ako.

"Fuck, that was expensive. Nasaan na?" Paulit-ulit niyang tanong, paulit-ulit lang rin ang sagot ko na hindi ko alam.

"Nasaan na ang sandals mo, Cia? Paano tayo uuwi? Wait, I'll get your sleepers." Paalis na siya nang maramdaman kong bumaliktad ang sikmura ko kaya kaagad ko siyang hinawakan. "Why?'

"Nasusuka ako," humawak ako sa bibig.

Nakita ko ang gulat sa mata niya. "Shit, don't vomit inside my car."

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now