Chapter 34

10.8K 254 81
                                    

Chapter 34: Black Sicilian Organization

Cyienna / Ciara

Siguro kung nakakamatay lang ang katahimikan, pareho na kaming patay nitong si Luther. Hindi ako nagsasalita at gano'n rin siya kaya ito… sobrang tahimik habang kumakain kaming dalawa ng breakfast.

Masyado na yata akong ilag sa kanya… I mean hindi naman sa gano'n… uhm, hindi ko lang makaya na nasa tabi ko siya.

Kukunin ko sana ang glass pitcher para kumuha ng tubig kaso naunahan niya ako.

"Sige, ikaw na," sabi ko nang binitawan niya.

"Uh, no, ikaw na," tinulak niya sa akin ang pitcher.

"Hindi, ikaw na. Uminom ka na." Tiningnan ko siya.

"No thanks, ikaw na ang mauna. Baka nauuhaw ka na," umiwas siya ng tingin bigla. "Wait, let me give you some water." Siya na mismo ang naglagay sa glass ko.

Napakamot ako sa noo at uminom na lang.

Ano ba 'yan! Hindi ako sanay ng ganito kaming dalawa. Masyadong tahimik. Hindi kami ganito kapag nasa dining… masyado kaming maingay dahil may kinekwento kami sa isa't isa with matching tawa pa. Pero ngayon… ibang iba, ang tahimik!

Pasimple ko siyang tiningnan at nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya inalis ko rin ang paningin sa kaniya.

"Ako na lang ang maghuhugas, ha," sambit ko nang matapos sa pagkain.

"Ako na, don't tire yourself." Tumayo siya at kinuha ang mga niligpit ko.

Hinayaan ko na lang siya tutal ‘yon naman ang gusto niya. Nanatili nalang ako sa sala para manood ng palabas sa Netflix. Nakasandal ako sa sofa habang pasimpleng sinusulyapan si Luther.

Nang makitang lilingon siya, tinuon ko ang paningin sa screen ng TV. Sinadya kong gumawa ng space sa sofa para doon siya umupo. At laking pasalamat ko naman nang maupo siya do'n sa tabi ko.

Pareho kaming tahimik dalawa. Ni walang balak mag-salita dalawa. Tumayo rin siya agad at pagbalik ay may dala ng pagkain.

"Did I make you uncomfortable, Cia?" Biglaan niyang tanong.

Nasa screen lang ng tv ang paningin ko pero ramdam kong nakatingin siya. Bahagya siyang lumayo nang hindi ako sumagot.

Naka-focus kasi ako sa tv! Magcoconfess na 'yong girl!

"Cia," tawag niya.

Kinuha ko ang pagkain sa center table. "Hindi, ah. Bakit naman ako magiging uncomfortable sa 'yo? Okay lang 'yon, gusto rin naman kita—." Natigilan ako sa sinabi ko. Napalingon ako sa kaniya at kita ko ang gulat sa mata niya.

"What?"

Umiling ako. "Wala, ah!" Sabi ko habang umiiling. "S-Sige, doon na lang ako sa kwarto, ah?" Basta basta ako pumasok sa kwarto ko nang hindi hinihintay ang sagot niya.

Nakahawak pa ako sa dibdib ko nang mahiga sa kama. Pumikit ako habang dinadama ang tibok ng puso ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Nagising ako dahil panay ang katok sa labas ng kwarto ko. Kinukusot ko ang mata habang binubuksan ang pinto.

Natigilan ako nang makita si Luther at nakaayos.

"I'm sorry, did I wake you up?"

"Uh, hindi naman…" sagot ko. "Bakit ka naka-ganyan?"

"May pupuntahan lang ako," aniya habang inaayos ang sleeve niya. Amoy na amoy ko pa ang perfume niya.

Parang pinangligo ang pabango, ha?

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now