Chapter 5

15.9K 329 18
                                    

Chapter 5: Fight

Ciara/Cyienna

Siguro noong umulan ng kamalasan, nasalo ko lahat? Grabehan talaga si bathala magpataw ng parusa. Alam ko namang pasaway ako sa mama ko, makulit ako pero ang bigyan ako ng ganito kakulit at kagago na kaklase, hindi ko matatanggap. Hinding hindi ko matatanggap.

Pinagtitripan nila ako, guys. Kadiri nga, e, namamato ng papel tapos may laway! Yuck lang gago, mabuti na lang hindi umaabot sa pwesto ko! Nakakadiri ang mga lalaking 'to. Huhu. Gusto ko nalang tuloy maiyak kanina. Anh dugyot, pogi sana, e!

At kung nagtatanong kayo kung saan ang pwesto ko, well putang ina sa likod lang naman ni Asul. At hindi pa rin ako makapaniwala na dito siya nag-aaral! At kaklase ko pa, ha?!

Tapos pinababa pa niya ako sa kotse, e, iisa lang naman pala ang babaan naming dalawa. Tapos hinbalot pa ang mani ko?! Iyong pagkain ko! Kapal ng face niya! Ang kapal kapal niya! Nakakainis siya!

Pero ayos lang kasi may kinakain naman ako na nips, hindi ko pinapahalata sa kaniya baka kasi hablutin na naman niya.

At kakatapos lang rin ng klase tapos ang kalat kalat. Iyong mga papel na binato nilang lahat nagkalat sa sahig at nakapagkit pa dahil sa mga laway nila na daig pa ang super glue sa sobrang dikit.

Wala nga pala silang lahat dito. Nakatulog kasi ako tapos hindi man lang ako ginising! Lunch na pala! Hindi tuloy ako makakain ng lunch, hindi ko alam kung saan ang cafeteria kaya nanatili na lang ako sa room! May kinakain naman akong nips. Masarap kaya 'to, tsaka 'yong skyflakes ko.

Pero tumayo ako dahil naiihi ako. Dala dala ko ang bag ko habang naglalakad. Pinagtitinginan nila ako tapos panay ang bulungan... akala naman nila hindi ko naririnig ang sinasabi nilang lahat.

"Iyong sa last section."

"Sigurong pagsisimulan na naman ng away 'yan."

Ano daw? Ako? Pagsisimulan ng away? Nilingon ko sila nang malapit na ako sa restroom. Para naman akong shit sa paningin nila at basta basta iniwasan. Grabe, huh. Maganda naman ako, ha?

Ang totoo n'yan, habang nasa klase kanina... pansin ko rin ang mga Teacher na masyadong ilag sa mga gunggong, tapos laging galit kahit na tahimik naman sila.

Nacucurious tuloy ako kung may tea ba silang hindi sinasabi sa akin.

Spill the tea naman d'yan.

Pumunta ako sa dulong cubicle para ilabas ang tawag ng nature. Nakarinig pa ako ng yabag ng takong. Sinilip ko ang ilalim at merong babae, mga nagmemakeup sila.

"Maganda rin 'yong bagong kaklase nila Luther," narinig kong sabi ng babae sa labas habang inaayos ko ang skirt ko.

Ako ang pinag-uusapan nila. Alam ko naman ang kaklase ng kinginang lalaking 'yon, e. Umayos ako ng tayo, maganda raw ako! Paano ba 'yan? Ang ganda ko daw! Napangisi naman ako.

"What did you just say, Rona?" Sabad ng isang mataray na boses. "Luther's new girl classmate is pretty? I couldn't even see."

Ito siguro 'yong babaeng tumingin sa akin kanina tapos sinabihan ako ng 'bitch'. War freak nga 'to! Nakakainis naman! Gusto ng magandang School year, okay?! Please lang, Lord!

Hindi ako lumabas dahil alam kong ginawa ko, makikita ako, sasabihan ng kung ano-ano tapos maiinis ako kaya lalaban ako tapos pagtutulungan nila akong lahat. Nabasa ko na 'to sa libro, hinding hindi ako lalabas. No way.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now