Chapter 17

11.8K 288 72
                                    

Chapter 17: Inspired

Ciara / Cyienna

Kanina pa kami sa clinic dahil kanina nang umakyat si Luther, hinila niya ako papunta dito. Hindi ko talaga makaya ang sakit, ang sakit ng suntok ni Luke.

Hindi ko kinaya.

"Kawawa ka naman," hinawakan ni Wayne ang balikat ko.

"Shut your mouth," utos ni Luther sa kaibigan niya.

Nilingon ko siya bago iripan. Sumandal ako sa upuan ko. Kakatapos lang gamutin ng nurse ang labi ko at pwede na daw kaming bumalik sa classroom kaso nagpapalamig pa ako.

Tumayo na rin ako agad.

"Umakyat na nga kayo, magre-restroom ako," sabi ko nang balak na naman nila akong sundan.

Pinanlakihan ko sila ng mata kaya wala silang ginawa kundi ang kumilos. Wala pang balak si Luther na maglakas kundi sumeryoso ang mukha ko, hindi pa siya kumilos.

Naglakad ako papunta sa classroom sa hindi inaasahan nakasalubong ko si Luke. Wala sana akong balak kausapin siya kaso nahawakan niya ang braso ko.

"Hey, wait," tawag niya sa akin kaya huminto ako.

"Ano?"

Binitawan niya ako. "I'm sorry..." sincere na sabi ni Luke. "I didn't mean to do that to you. It wasn't my intention."

"Ang sakit pa din..." sabi ko.

"I'm really sorry. You can hurt me back if you want."

"Hindi ako gano'n," sagot ko agad. "Saka, ang lakas naman kasi ng amats niyo. Pa-away away pa kayo." Nag-angat ako ng tingin.

"I know, next time hindi ka na madadamay, so are we okay?"

Tumango ako. "Oo," hindi ko rin naman kaya tumagal na may galit o inis sa kaniya. At saka... ewan ko ba... hindi dahil sa crush ko siya o ano, iba, e. May iba akong nararamdaman para hindi magalit sa kaniya.

It's not about crushing or liking him, may something na hindi ko makuha kung ano.

"That's good," ngumiti siya sa akin. "But I'm really sorry."

Ngumiti ako pabalik. "Sige na, wala 'yon. Pumunta ka na sa classroom mo. Magre-restroom pa ako."

"No, I'll wait for you here."

Umiling ako. "Huwag na, kaya ko na. Sige, una na ako." Pumasok ako sa restroom.

Naghilamos lang ako bago mag-cr. Nang matapos lumabas na ako at wala na si Luke. Nakita kong hawak siya ni Eloisa sa kamay pero inalis niya.

Nagagawa kapag mag-ex tapos magkaklase.

"What happened to your lips?" Tanong ni George na nasa harap ko pala.

Naupo ako sa bench. "Nasuntok kasi ni Luke kanina. Pumagitna ako para pigilan sila, e, kaso 'yon ako ang nasuntok tapos sakto sa labi ko."

"Bakit kasi pumagitna. Hindi ka rin epal," narinig kong sabi niya.

"Excuse me? Maka-epal 'to," hindi ko mapigilan ang mapairap. "Inawat ko lang sila. At saka parang hindi mo nakita ang nangyari kanina."

"Wala akong pakialam kahit mag-away silang dalawa."

Sabagay, sino ba naman siya para makialam pa?

"Wait, hindi yata mainit ang ulo mo ngayon?" Puna ko dahil hindi siya masungit.

"Shut up," ay ayan na. Masungit na siya.

"Sungit mo naman." Tumayo na ako para umakyat sa classroom. "Una na ako, ha?"

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now