Chapter 15

13.8K 320 59
                                    

Chapter 15: Date

Ciara / Cyienna

Ngayon ko na lang ulit mararanasan ang makipag-date. Hindi naman na kasi ako nakipag-date kahit na maging single ako. Mas nag-focus ako sa pag-aaral sa US, idagdag mo na ang pinapagawa ni mama sa akin.

Kung paano kumilos nang maayos, kung paano kumilos ang isang Prinsesa. Iyon ang pinapagawa sa akin ni mama at syempre kailangan kong sundin pero kulang pa rin kaya kailangan ko talagang maturuan nang maayos. Kaya nga gusto niyang maging Reyna ako dahil sa paraan na 'yon, marami akong matutunan ang kaso… hindi ko gusto.

Hindi ko tinupad ang kasunduan namin, and worse tinakasan ko pa si Mama.

Binalik ko ang tingin sa salamin para makita ang sarili. Suot ko ang itim na puff sleeve hepburn style, at white strappy sandals. Mahaba ang dress, hanggang itaas ng paa ko.

Wala akong makeup kasi hindi ako marunong mag-lagay. Saka hindi ko naman kailangan 'yon. Mas magaan ang mukha ko kapag walang makeup.

Para akong tanga. Kinakabahan ako na makipag-date lalo pa na si Luther ang kasama! Hindi ko naman kasi talaga inakala na seryoso siya at ako naman na malakas ang loob na um-oo sa deal. May pasabi sabi pa na mananalo pero tingnan mo, talo!

Kinuha ko ang hair claw clip ko para itali ng half ang buhok ko. Kinuha ko rin ang baguette bag ko para ilagay ang importante kong gamit.

Bago lumabas, kinuha ko ang perfume ko. Nabili ko lang 'to sa mall pero mabango. Sulit ang 250 ko sa pabango na 'to.

Lumabas na rin ako pagkatapos. Dahan dahan ang lakad ko para hindi marinig kaso kusa akong napatigil nang makita si Luther.

Halos mapatitig ako sa kanya. Nakaupo siya sa sofa, nakapatong ang isang paa sa tuhod. Hindi niya napapansin dahil may tinitingnan siya sa phone niya, but if you will stare at him… he's really handsome.

I mean, look at him… kahit na simple lang siya bagay sa kaniya. A simple white shirt, black trousers, with a black casual blazer and white sneakers. 

Kumurap ako bago mag-iwas ng tingin. Pero hindi nagtagal napansin kong may nakatitig sa akin kaya nag-angat ako ng tingin at naabutan ko si Luther na halos tunawin ako gamit ang tingin niya.

"B-Bakit?" Pukaw ko sa atensyon niya.

Parang matutunaw ako sa paninitig, e. Buti na lang hindi ako madaling matunaw.

Binasa niya ang ibabang labi bago umiling. "Nothing."

"Bakit? Pangit ba?"

Umiling siya. "Of course not."

Sige, maniniwala ako. Titig na titig, e.

"Sure ba 'yan?"

"Oo nga, maganda ka," sambit niya. "You are a stunning gorgeous lady."

Bakit ba kasi iba ang dating sa akin kapag nagsasabi siya ng ganito? Wala namang nakakakilig sa salita niya pero shuta kahit simple lang, makamandag na… paano pa kaya kapag nag-i love you na? Charot, assuming ka sa part na 'yon, Cyienna.

"Is that the dress my mother brought for you?"

Tumango ako. "Oo, ang ganda nga," bumaba ang tingin ko sa suot.

"Ang ganda nga," narinig kong sang-ayon niya.

Nag-angat ako ng tingin. Sa akin siya nakatingin, hindi sa dress ko. "Crush na crush mo talaga ako, alam ko na 'yan, alam ko na maganda ako," pero kinilig ang kingina.

"Confident, huh." 

"Totoo naman ang sinasabi ko. Crush mo 'ko."

"Oo nga, matagal na," casual na sabi niya.

A Runaway Royalty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon