Chapter 20

13.2K 284 81
                                    

Chapter 20: Closet

Ciara / Cyienna

Dapat sa mall kami kakain kaso kailangan bumalik ng maaga dahil may klase. Pa si Jillian ang nag-suggest na kumain sa karinderia.

Pumayag naman ako dahil masarap ang lutong bahay na pagkain. Gano'n rin si Rona. Ewan ko lang sa mga lalaking kasama namin, ha?

"Can we just eat in a restaurant?" Ang arte naman ni Lawrence.

"No way, Lawrence, this is the best way. 'Di ba cousz, hindi ka pa kumakain sa ganito?" Sambit ni Rona. "Kayo rin 'di ba?"

Hindi sila sumagot.

"Masarap naman 'to," sabi ko.

May alam si Rona na kaininan, malapit lang sa School. Dalawang kanto lang ang pagitan. Nang makarating kami d'on, may kumakain pero may malaki pa namang space.

"Did you try eating at this place?" Tanong ni Luke.

Umiling ako. "Hindi."

"Paano mo nasabing masarap?" Nasungitan na naman ako ni George.

"Nanonood kasi ako ng mukbang sa youtube," sagot ko. "Tapos sabi nila masarap daw."

Tumigil kami sa harap kung saan makikita ang mga ulam.

"Ano sa inyo?" Tanong ng tindera, nagulat pa siya dahil nakahilera kami sa harap ng karinderia niya.

Nasa tabi ko sina Luther tapos sa kabila naman sina George. Nakapatong ang siko ni Rona sa akin.

"Kakain po kami," sabi ni Jillian. "Ano pong ulam niyo ngayon?"

"Kaldereta, sinigang na baboy, adobo, pinakbet, fried chicken at porkchop, kare-kare, lumpia, laing, at bicol express."

Ang dami, ha.

"Sa akin, sinigang ate. Iyon lang," sabi ni Rona. "Sayo?" Tanong niya sa akin.

"Kaldereta sa akin," sagot ko. "Anong sa inyo?" Nilingon ko ang mga lalaki sa likod ko.

"Kaldereta rin," sabay sabay pa silang sumagot.

Napakamot ako sa noo.

"Magkano po ang kaldereta?"

"Treinta." Sagot niya.

Hala, ano 'yong treinta?

Naguluhan rin sina Goerge.

"What's treinta?" Tanong ni Luther.

"Thirty, hijo," sagot ng tindera. "Thirty pesos na lang sa inyo tutal marami naman kayo." Binilang niya sina Luther. "Thirty-two times thirty bali, 960 lahat ang babayaran. Sa inyo na itong kaldereta."

At dahil nga 'yon ang kakainin namin, pumayag na sila. Sa isang table kami nakaupo. Pinagdikit lang nila para magkakasama kami.

Actually, parang mga tanga nga lang.

"Hoy, Jake! Thirty mo?" Nangongolekta si Wyatt ng pambayad.

"Ilista mo na lang." Si Jake, kaibigan ni George.

Actually, eleve silang magtotropa. Eight naman sina Luke, at twelve naman ang tropa nila Luther.

"Ulol, walang lista lista dito. Akin na bayad mo! Thirty na nga lang," may papel pa siya at chinechek niya kung sino 'yong mga bayad na.

"Mamaya na ako magbabayad, Wyatt." Sabi ni Tyson, isa sa mga kaibigan ni Luke.

"Ulol, akin na thirty!"

Pinakyuhan ni Tyson si Wyatt matapos ibigay ang thirty. Lahat sila siningil ni Wyatt at ako na lang ang hindi.

"Cia, ikaw na lang ang hindi nagbabayad," sabi ni Wyatt.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now