Chapter 11

13.9K 357 43
                                    

Chapter 11: Crush

Ciara/Cyienna

Today is Saturday! Wala naman nangyari kahapon, iyong mga nangyayari sa nagdaan na araw sa akin ay gano'n pa rin naman.

Tsaka, nalaman ko kay Rona na hinanap pala ako ni Luther. Hindi ko alam kung bakit kailangan gawin niya 'yon. Hinayaan ko na lang dahil mukhang 'yon naman talaga ang gusto niya.

At isa pa... masaya rin ako dahil finally hindi na ako aalilain ni Luther! Nakakapagod kayang maging semi-maid niya! Kaya thankful talaga ako dahil nadaan ko siya sa pag-alis effect ko.

Tsaka may letter na naman akong nakikita sa locker ko. Pink ang papel at gano'n pa rin... maganda ang sulat. Hindi ko tuloy alam kung lalaki ba o babae talaga ang nagsusulat nito.

Hindi ko alam kung sino! Wala naman CCTV sa parte ng locker kaya hindi ko rin magawa na i-hack gamit ang laptop ko.

"Sino kaya 'yon?" Mahinang tanong ko habang nakatingin sa laptop ko.

Nasa balcony ako, seven na ng umaga pero gising na ako. Tulog pa si Asul for sure, sarado ang pinto ng balcony niya, e.

Sumilip ako para makita nang tumayo kaso wala... naka-turn off ang ilaw kaya tulog pa nga. Naupo na lang ulit ako, sinuot ko ang earpods para manood ng nangyayari sa loob ng mansion namin.

Kung hindi niyo kasi alam... hacker ako pagdating sa mga CCTV. Matagal nang naka-connect ang laptop ko sa bawat sulok ng mansion. Alam ko na kahit country ang pagitan kayang makita.

Kanina pa ako nasa upuan ko para makita kaso bakit gano'n? Can't detect. Hindi ko madetect. Sinubukan kong buksan ang hidden cams dahil alam ko ang code kaso can't detect pa rin! Alam ko na kahit nasa Pilipinas ako kaya 'yon.

Tumigil na lang ako sa ginagawa.

Nasa akin na ulit ang cellphone ni Luther. Binigay niya ulit sa akin kaya binalik ko ang sim card ko. Ayos lang sa kanya na alisin ko lahat ng nakalagay sa phone na 'to pero hindi ko naman ginawa.

Nag-Facebook na lang ako sa cellphone. Iyong tunay na account ko ang binuksan ko. Wala pang minuto sandamakmak na chats ang natanggap ko mula kay... mama at sa kaibigan ko.

Astraea Stephanie Suarez:
Shuta ka. Nasan ka?

Astraea Stephanie Suarez:
Hoy. Ako kinukuyog ng nanay mong reyna. Pati ako na nanahimik sa palasyo namin kinuyog.

Astraea Stephanie Suarez:
Hoy!!! Cyan!!!! Pati nanay ko nagdududa kung nasan ka!!! Iniisip kung alam ko ba kung nasan ka.

Astraea Stephanie Suarez:
Chat asap. Pagod na ako mag-explain sa mga to lalo na kay tita! 😭😭😭

Humawak ako sa noo nang mabasa ang chat ng kaibigan ko. Araw na nagchat siya 'yung lumayas ako, ibig sabihin matagal na.

Wala sana akong balak mag-reply kaso biglang naging green ang active status niya. Bigla rin pumasok ang chat niya.

Astraea Stephanie Suarez:
Hoy!!!!!!! Naseen rin!!!! Jusmiyo ka!!

Nanlaki ang mata ko kasabay nang pag-labas ng pangalan niya. Pinatay ko lang pero tumawag ulit siya kaya sinagot ko na lang.

Bumungad ang mukha ng kaibigan ko. "[Cyienna!]" Sigaw niya. "[Gaga, nasaan ka ba?]"

Tumikhim ako bago magsalita. "Steph... hindi mo kailangan malaman." Sagot ko.

"[Gago, basta basta ka nawala sa palasyo. Alam mo bang kinuyog talaga ako ni Tita? Pinaamin para sabihin kung nasaan ka, e, kaso nga hindi ko alam!]" Frustrated na sabi niya. "[Tsaka, jusme ka... bakit ka ba umalis? Bakit mo ako iniwan?]"

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now