Chapter 55

12.8K 253 46
                                    

This is the final chapter of A Runaway Royalty! Thank you for running with Cyienna and Luther's story.

-

Chapter 55: Her End

Cyienna

Nagising ako dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa akin. Napahinga ako nang malalim. Balak kong gumalaw kaso napa-aray lang ako sa sobrang higpit na pagkakatali sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa itaas kung saan nakatali ang mga kamay ko bago dumapo ang paningin ko sa babaeng naka-upo sa ibabaw ng lamesa.

"A-Audrey..." nautal ako nang makita siya. Gulat pa dahil nandito siya.

Plastic siyang ngumiti. "Yes, it's me, Cia-should I say Cyienna?"

Kilala niya ako? Shit.

"Oh, wait let me remind you. I'm not late to the news to find out that you are a Princess and to find out about who really you are. Simula palang kilala na kita bago ka pa pumasok sa eskwelahan kung saan tayo nag-aaral."

Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa sinabi niya. Nanatili ang tingin ko sa kaniya. May tumulong dugo mula sa noo ko na pilit kong inalis kahit na hirap akong kumilos dahil nakatali ako.

"When you transferred, I already knew everything. Kaya nga ayaw na ayaw ko sa'yo," dinampot niya ang kutsilyo mula sa lamesa. "To be clear with you, sisimulan ko sa umpisa," dahan-dahan ang lakad niya habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay. "Bago mo pa ako makilala, kilalang-kilala na kita dahil sa Tita ko, she told me everything... how our family broke. How my Dad died in your father's hands. Why I lost my father. Lahat, Cyienna. Alam ko ang lahat," bahagya pang nanginig ang boses niya.

"I am Ynigo Arlanza's daughter, ang anak ng taong pinatay ng Daddy mo. Your father killed my father, Cyienna, that's why I hated you." Tinutok niya ang kutsilyo sa leeg ko. "Alam mo ba ang pinagdaanan ko nang makita kong walang buhay ang ama ko? Ang taong tanging nagmamahal sa akin, nawala dahil sa ama mo! At first, I was curious about kung sino ka until Tita... Klarisse told me about you. I was only eleven that time, wala akong pakialam kahit na bata pa ako basta galit lang ang bumabalot sa akin hanggang ngayon. Tita Klarisse gave your info to me while I was having my training so I could enter inside the organization. Noong una, nahihirapan ako pero isa lang ang goal ko. Ang mapatay ang isa sa pamilya mo, at ikaw 'yon."

Magkakilala si Tita Klarisse at Audrey. Kilala na niya ako... matagal na.

"Sobra akong naghihirap sa bawat pagsunod ko sa'yo. Alam ko bawat galaw mo, ni hindi ko nga inakalang, sarili mong kapatid at ama hindi mo kilala. How stupid. However, I lost when I was following you but good thing, I have this. Remember this phone?"

"Ayan ang cellphone ko!" iyong IPhone 9 ko! Iyong ini-snatch sa akin!

"Yes, I have your phone, Cyienna. Matagal na. Inutusan ko ang isang kakilala ko para kunin 'to sa'yo. At dito ko nalaman ang totoo, na... tumakas ka sa inyo. That you were hiding your identity, you should thank me dahil nanatili akong tahimik habang alam ang totoo. But aside from that, hindi ako papayag na maging masaya ang buhay mo dito. I really hated you dahil tuwing tumitingin ako sa'yo, si Tito Lane at Ciena Clemier ang naalala. Ang taong naging dahilan kung bakit nawala ang mahal ko sa buhay!" napapikit ako nang maramdaman ang matulis na kutsilyo sa leeg ko.

"Plinano ko rin na sirain ang buhay ng kapatid mo. I was the who introduced Eloisa to Luke, pero syempre gusto kong dumaan kina Luther at Lawrence para mag-away away ang lahat. Alam ko kasing hindi ako makakaganti sa mga ama nila, kaya doon ako sa anak dahil mga anak pa rin sila ng taong tumulong para mawala ang daddy ko."

Nagulat ako. Buong akala ko... mga sadya ang nangyari pero hindi. Iyong mga nalaman ko noon... may iba pa palang katotohanan. At plano 'to ni Audrey lahat.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now