Chapter 25

11.8K 284 122
                                    

Chapter 25: Ex

Cyienna / Ciara

Today is Friday, kakatapos ko lang kumain at maligo kaya nag-aayos na ako. Kakatapos ko lang rin bigyan ng milk sina Peach kaya nandoon sila sa kama, hindi sila tulog.

Naglalaro sila base sa nakikita ko, panay ang dagaan ni Ruby sa dalawa. Ang cute nila.

At saka kagabi... akala ko talaga mahuhuli na kaming dalawa ni Luther! Todo tago talaga ako sa balcony para lang hindi nila makita pero feeling ko nagdududa silang lahat.

At saka feeling ko sinadya 'yon, e. Isusumpa ko talaga si Caleb kapag 'yon pakana niya.

At isa pa, may naalala lang ako. May pinag-uusapan kasi sina Luther kagabi, hindi ko masyadong marinig pero exchange daw?

Hindi ko maintindihan kung para saan na exchange 'yon. Tapos halata pa sa boses ni Luther na parang ayaw niya talaga sa sinasabi ni Blake.

Ano kaya 'yon?

At saka alam niyo ba nakatulog ako kagabi habang nagsasagot ng math namin na ipapasa ngayong araw. Pero gago... sinagutan ni Luther ang math ko.

"Ang hirap, hindi ko makuha," sabi ko habang nakasandal sa sofa.

Nakaupo ako sa carpet habang sandamakmak na papel ang nasa harapan ko. Siya naman, nakahiga sa sofa kung saan ako nakasandal.

"You can do that," narinig kong sabi niya. "Tinuruan na kita 'di ba."

Hindi ko naman gets.

"Hindi ko nakuha." Pogi ba naman nagtuturo kaya sino ang makakapag-focus?

"It's basic, try to concentrate," aniya nang tumabi sa akin.

Kinuha niya ang nasa kamay ko para makita,. Hindi naman ako nag-reklamo nang kunin niya rin ang ballpen ko. Hindi ko lang kinaya nang magsalita na ulit siya.

"It has explanation kung paano mo makukuha ang sagot," tinuro pa niya ang nasa test paper.

Tumingin ako doon kahit alam ko sa sarili kong hindi ko makukuha kahit tingnan lang. Napakamot ako sa noo bago pakinggan ang mga sinasabi niya.

Tumatango ako kahit wala talaga akong nakukuha, nakapatong ang siko ko sa lamesa habang nakahilig ang ulo at nakatingin sa kaniya. In fairness, ang pogi niya talaga, kaya siguro siya nagugustuhan ng karamihan.

Nagtataka lang ako sa sarili ko... pogi at mabait naman 'tong si Luther pero bakit hindi ko maging crush? Siguro baka... wala pa ako sa point na—ay hindi pala. Hindi pala ako darating sa point na 'yon.

Hindi ako darating sa point na magugustuhan ko siya? Hindi, tama. Hindi.

"Timeout," sabi ko bigla. "Masyado akong nadidistract, e."

Naguluhan naman siya. "Distract from what?"

"Sa 'yo," sagot ko agad. "Nakakadistract ka, e. Napapatingin ako sa mukha mo, ang pogi mo."

Halos masamid siya matapos marinig ang sinabi ko. Hindi siya nagsalita, nasa papel lang ang paningin niya pero ramdam kong nahihiya siya.

"Alam mo... ang talino mo sa math. Siguro d'yan ka pinaglihi ni Tita," comment ko habang nagsusulat.

Ramdam kong nilingon niya ako. "It's not, I just want to know about these so I studied."

"Hindi ka talaga pinaglihi ng mommy mo sa math?"

Umiling siya. "No, but my Dad taught me mathematics back then. Gusto mo turuan kita?"

"Ay, 'wag na, sapat na sa akin na ikaw ang tinuruan. Huwag mo na 'ko idamay," umiling ako nang paulit-ulit.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now