Chapter 39

10K 253 33
                                    

Chapter 39: Ball Night 

Cyienna / Ciara

Jusko, shocking talaga ang nalaman ko. Pinahahalagahan ko naman ang feeling sa akin ni Lawrence, hindi ko lang talaga inakala na sa paraan ng pagtitig niya ay may kakaiba na pala siyang feelings. 

Wala na rin namang kaso ‘yon kay Luther at isa pa, siya rin pala ang nag-utos na sabihin ‘yon ni Lawrence sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko nalang inaalam.

Mabilis rin na lumipas ang araw, sa loob ng tatlong araw ay puro lamang paghahanda sa ball night ang nangyayari. Iyong iba naman ay excited dahil excited na sila sa mga susuotin nila, samantalang ako… wala pang susuotin.

Hindi ko nga alam kung ano, eh. Ni Wala akong budget para do'n… kaya namomroblema ako dahil bukas na 'yon! Tapos ako wala pang susuotin!

"Ready ka na ba para bukas, Cia? Ay, may isusuot ka na ba?" 

Simula nang malaman nilang dito ako nakatira sa condo ni Luther dumalas na ang pagpunta nila dito. Malapit rin pala kasi ang unit nilang lahat dito pero sa condo na 'to mas pinipiling mag-stay.

"Hindi naman ako pupunta do'n, eh," syempre, gusto kong pumunta! Maghahanap muna ako ng way para makahanap ng susuotin.

At saka, ako ‘yong kakanta ‘di ba? Kaya kailangan kong pumunta.

“You need to be there,” sambit ni Luther nang mailapag ang baso ng tubig sa harapan ko.

Hindi ako nagsalita at basta-basta nalang sumandal sa sofa. Bahala na… may maisusuout rin ako! Kahit ‘yong simpleng dress ko lang d’yan sa closet na bili ni Tita Gretchen, tutal hindi ko pa naman ‘yon naisusuot.

Sinamahan nalang namin si Luke na pumunta sa mansion nila. Nandito rin kasi sila sa condo, pero papunta na kami do’n sa mansionnila. Excited na nga ako, eh. Masarap kasi ang pagkain doon.

“Ang ganda talaga ng mansion’yo, Luke,” sambit ko nang makababa mula sa kotse. Nakahawak sa dulo ng damit ko si Luther, parang ewan. Ayaw na ayaw na binibitawan ako. 

“Nakapunta ka na ba dito?” tanong ni Tyson.

“Oo,” sagot ko na ikinagulat nila.

“Huh? Kailan?”

“Hindi ko maalala, eh, basta nakapunta na ako dito,” sagot ko dahil hindi ko talaga maalala ang araw na ‘yon.

Pumasok nalang kami sa loob ng mansion nila Luke, at tulad nang nakita ko noon. Gano’n pa rin ang istura pero mas lalong gumanda. May mga maids na nag-aayos sa garden.

Naupo kami sa sofa.

“Ate, nauuhaw na po ako,” sambit ko sa maid. “Pwede po makihingi ng juice?”

Nakarinig ako ng tawa mula sa mga kasama ko.

“Ako naman cookies kasi gutom na kami, eh,” dagdag ni Wyatt.

Napailing nalang si Luke bago ulitin sa maid ang utos. Naupo rin siya sa sofa. Kaya pala kami nandito dahil magsusukat ng damit para bukas ng gabi. Wala kaming pasok bukas para makapag-handa.

Ang Mommy pala ni Luke ang may pakana nito, wala namang magawa si Luke kaya um-oo nalang siya sa gusto ng mommy niya. 

“Oh, Luke is here already!” 

Lahat kami ay lumingon sa main door. Nakita ko doon si Tita Klarisse na may dala-dalang bag, sa likod niya ay isang babae na sa tingin ko ay ‘yong taga-sukat.

“Hey, Mom,” bati ni Luke sa ina.

Ngumiti si Tita Klarisse bago kami balingan ng tingin. “Hey, kids,” aniya. Nilipat niya ang tingin kay Luke. “Anyway, since tomorrow na ang ball night, you have to wear a perfect suit kaya susukatan ka ng kaibigan ko. Don’t worry, mabilis lang ‘to.”

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now