Chapter 7

14.7K 326 36
                                    

Chapter 7: Leave

Ciara/Cyienna

Kanina pa ako gising pero hindi ako bumabangon. Kanina pa rin ako binubalabog ni Asul para gumising, e, kanina pa nga ako gising. Pinipilit niya rin akong bumangon na para makapag-ayos dahil nga papasok pa kami sa School pero ayoko.

Tsaka, alam niyo ba? Dinalhan ako ng pagkain sa kwarto ko! Breakfast in bed ang peg ko kanina! Nagulat pa nga ako sa ginawa niya, wala rin naman siyang sinabi at basta basta na lang rin umalis. Pagkatapos n'on, nahiga ulit ako kasi nga wala akong balak pumasok!

"Ciara, wake up. We still need to go to school."

"Ayokong pumasok." Gusto ko lang dito, palilipasin ko muna ang isang araw bago pumasok. Baka hindi pa tapos ang babaeng 'yon sa ginawa niya.

Kakalbuhin ko talaga ang buhok niya pati kilay. Para two in one ang pagiging semi-panotchi niya. Huwag niya talaga akong iniinis, akala naman niya… maganda siya. Well, oo maganda siya pero hindi pa rin sapat ‘yon para mang-api siya.

Aanhin naman niya ang ganda niya kung ang ugali niya ay pangit? Kabaliktaran sa panlabas na meron siya. Yuck.

"Pumasok ka na nga." Pilit ng gago, e, ayoko nga.

Pilit nang pilit, ayaw niya ba n’on? May magbabantay sa condo niya habang wala siya.

"Ayoko, tinatamad na ako. Wala na akong masasakyan ngayon." Pumikit na lang ako para matulog. "Matutulog na lang ako. Kung gusto mong pumasok sa School, ikaw na lang. Huwag mo na akong idamay."

"Ciara, you need to be there. Kanino hihingi ng sorry ang mga 'yon kung wala ka?"

Nagmulat ako ng mata bago siya nilingon. "Anong ibig mong sabihin?" Bumangon na rin ako, nakatayo siya malapit sa pinto.

He shrugged, he averted his eyes somewhere. "I only know that they will say sorry to you because I say so. Now get up and get ready, and please next time… don't wear a sando if you don't have… bra inside." Pasimple niyang iniwas ang tingin samantalang nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya bago bumaba sa sinasabi niya.

Putang ina! Kaya pala parang may iba sa kaniya at todo iwas sa akin. Tinakpan ko ang parteng dibdib ko bago magsalita.

"Oo na, maliligo na ako. Doon ka na! Magpaplan—."

"Gawin mo na ang lahat, 'wag lang 'yon." Putol niya sa akin. "And you don't need to do that. Your uniform is ready."

"E'di goods. Lumabas ka na."

Lumabas naman siya kaya tumayo na rin ako. Kinuha ko na ang towel ko sa hanger bago dumiretso sa bathroom. May sugat at mga kalmot pa rin ako, ang lala nga ng labi ko, e, may pasa pero gagamutin ko ‘yan mamaya.

Lalagyan ko rin ng bad aid ang noo ko dahil may sugat rin at medyo malaki. Medyo lang naman, hindi pa naman ako mamamatay.

Nang matapos ako sa pagligo, nagsuot na ako ng uniform na binigay ni Asul kanina. Kinuha ko rin ang first aid box para gamutin ang sugat ko. Naupo ako sa kama, nakaharap sa balcony para kahit papaano maarawan naman ako.

“Lila, let's go!” katok ni Asul sa labas.

"Teka! Ginagamot ko ang sugat ko!" Sigaw ko pabalik at bumukas naman ang pinto. "Ano 'yan? Bakit ka lumalapit?" Taka kong tanong dahil pumunta siya sa kung nasaan ako.

"Your cheeks were still red, and it was a bit violet. Did you put ice on that part?" Kinuha niya ang bulak sa kamay ko.

Hindi ko alam ang irereact ko nang naupo siya sa itim na swivel chair kung nasaan ang bag ko. Mas lalo pa siyang lumapit.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now