Chapter 23

12.3K 271 124
                                    

Chapter 23: Luke's parents

Hindi ako makapaniwala na nakikita si George sa akin ang girlfriend niya. Baka kasi mamaya, isipin niya na ako ang girlfriend niya, mahirap na.

Maayos akong naupo. "Aray ko, gago." Biglang naipit ang daliri ko sa swing.

"What happened?" Tanong ni George.

"Naipit ako dito," turo ko sa bakal. "Nananakit ka, ha."

Tiningnan naman niya ang nasa kamay ko.

"Ciara." Napalingon ako sa likod namin.

Nakita ko si Luther na nakatayo sa harap ng pinto. Inalis ko ang kamay ni George sa kamay ko nang makitang bumaba ang tingin niya sa kamay ko.

"I have to go, Ciara." Iniwan akong mag-isa ni George kasama si Luther.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang mapako ang tingin ko kay Luther.

"Why is he here?" Tanong niya.

"Para daw magpalipas ng oras," sagot ko, bumalik ako sa pag-upo para magswing.

Tiniis ko na lang ang pagka-ipit ko. Lintik kasing bakal 'to, para uupo lang naman ako tapos mananakit. Tapon ko 'to, e. Dapat dito hindi inuupuan.

Pero mas masakit pa rin ang nalaman ko kay George kasi imagine gano'n nangyari sa girlfriend niyang nasa heaven. Siguro ang tagal nang nangungulila ni George sa kaniya kasi halatang mahal niya, e.

At saka ewan ko ba, kapag tumitingin sa akin si George parang iba. Siguro 'yon ang sinabi niya kanina pero sana mawala na, ayoko kasi ng gano'n.

Iyong parang nakikita sa akin ng isang tao ang mahal nila. Ayoko ng gano'n.

"Then why is he holding you like that? Nakahawak pa siya ng sobra sa kamay mo... tapos parang ang higpit pa..."

Napabalik ang tingin ko kay Luther nang magsalita siya. Gusto kong magtaas ng kilay pero hindi ko na lang ginawa kasi medyo mahirap.

"Naipit kasi ako, o, tingnan mo." Pinakita ko pa sa kaniya. "Kung maka-tanong ka naman," mahinang sabi ko.

"I'm just asking," sambit niya.

Iba kasi ang tono nang pananalita niya.

"Marunong ka bang magselos?" Biglaan kong tanong, iba ang paraan ng pagtatanong niya para kasing may laman.

Tiningnan ko siya.

"Hindi pero marunong akong bumaril," sagot niya bago ako nilingon.

Napangiwi ako. "Ano ba naman 'yan, Luther." Napakamot ako sa noo.

"Why are you asking anyway?"

"Wala lang, lakas mo kasi magtanong. Ikaw nga kasama mo si Eloisa kanina, e," sabi ko bigla, natikom rin ang bibig ko.

"But I don't want to be with her. I left her immediately,'' Aniya. "Tapos hinanap kita agad."

"Okay, sabi mo, e." Tanging nasabi ko.

"Umalis nga agad ako, you didn't see I followed you here. At saka siya ang humila sa akin pero inalis ko agad ang kamay niya. And actually, I thought you went to the classroom pero hindi pala. Then I saw you going here kaya dito ako dumiretso."

"Huwag ka na mag-explain tutal wala naman akong pakialam." Sa sinabi ko siya parang napatigil.

Napalingon ako sa kaniya, walang makikita na bakas ng emosyon sa mukha niya. Baka iniisip niya doon ako sa effort niya walang pakialam o sa kaniya.

"Okay... I'll just go to our classroom.

Tumayo ako. "Hindi 'yon ang tinutukoy ko na wala akong pakialam," sabi ko agad at sinundan siya.

A Runaway Royalty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon