Chapter 22

11.2K 276 65
                                    

Chapter 22: Glimpse of her

Cyienna / Ciara

Tulala ako habang nasa loob ng sasakyan. Nakatanggap kasi ako ng tawag kanina, ongoing na ang papers para sa balak ng Highest Empire.

May parte sa akin nakokonsensya dahil kundi ako tumakas baka maayos pa ang lahat. Hindi aabot sa ganito si Mama.

Hindi rin naman ako basta basta makakabook ng ticket dahil mahal. Hindi ako pwedeng umalis, hindi ko pwedeng iwan si Luther kasi... ano... dahil magtataka siya kung bakit ako aalis.

Ano pa bang dahilan? Syempre, wala na. Hindi ko naman siya crush.

"What do you want to eat?"

Nilingon ko siya. "Iyong chicken nuggets, chicken fillet with rice, and fries."

Nasa drive-thru kami ngayon para bumili ng pagkain. Hindi pa kami nagbe-breakfast dalawa kaya sabi niya, bumili na lang kami sa mcdo. Gutom na nga ako, e. Mabilisang ligo ang ginagawa ko para lang hindi kami lalo mahuli.

Late na kasi kami nagising. Maaga naman kaming natulog... baka siguro dahil sa isang kwarto kaming dalawa natulog. Oo, sa isang kwarto kami natulog dahil sabi niya.

Huwag kayong mema d'yan, sa sofa siya at ako sa kama.

"Sir, do you have three pesos?"

Nilingon ako ni Luther. "I don't have any coins, do you?"

"May barya ako sa wallet ko. Nasa bag," sabi ko para siya ang kumuha. Nagtatali ako ng buhok dahil ang init.

May kinuha naman siya sa bag ko. Natigilan pa siya sa hindi ko maintindihan na dahilan.

"Is your Gucci wallet is fake?" Biglaan na tanong niya habang kumukuha ng coin sa wallet ko.

"Excuse me?! Hindi, ha! Original Gucci 'yan, galing pang Italy 'yan..." humina ang boses ko nang may marealised.

Nilingon ko siya. Iyong tingin ni Luther sa akin parang nagdududa.

"Uhm, pero... hindi galing sa akin 'yan kasi bigay lang 'yan, e," sambit ko kahit ako talaga ang bumili. Galing mismo sa pera ko.

"How about your bag? That's Prada, right?" Turo niya sa Prada white backpack ko. "I mean, I'm not insulting you but you said... you came from a small family. You were a maid then... how..." hindi niya matuloy ang tanong.

Ang tanga ko! Bakit kasi puro branded lahat ng gamit ko?

"H-Hindi naman sila totally small family. Kaya nila bumili ng branded things, at saka... nagagandahan kasi 'yong amo ko sa akin."

Nagsalubong ang kilay niya. "Sinong amo mo?" Tanong niya agad.

"Babae 'yon!" Wala akong amo! Personal assistant at personal maid lang. "Maid ako sa kaniya."

"E, if you were a maid before then why don't you know how to clean things? Hindi ka marunong magluto, hindi ka marunong sa gawain."

Napaisip ako sa sinabi niya kaya pati ako natigilan.

"Hindi naman kasi ako lagi ang gumagawa. Alam mo na... clumsy kasi ako. Kaya ako na lang 'yong naghuhugas at nagwawalis o naglilinis ng bahay," palusot ko para maniwala siya.

Dahan-dahan naman siyang tumango.

"Okay..." binayad niya ang coins doon sa babae. "Honestly, I was confused before. Ikaw lang 'yong maid na alam kong hindi marunong sa gawaing bahay."

Muntik na akong masamid. "Hindi naman..." mahinang sabi ko.

Kinuha na niya ang order namin. Ang sabi niya kumain na daw ako kaya nilagay ko muna sa likod ang bag ko para makakain ng maayos.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now