Chapter 42

9.7K 220 11
                                    

Chapter 42: Ex

Cyienna / Ciara

Kating-kati talaga ako na malaman kung ano 'yong papel na 'yon! Pakiramdam ko kasi konektado ako doon. Ito namang si Lawrence, ayaw ipaalam pero 'yong mukha, nang-aasar. Gano'n rin kay George 

"P're, palitan mo 'yong kanta!"

Kasalukuyan kaming papunta sa resort. Dapat ay mayroon na maghahatid sa amin kaso tumanggi sila dahil gusto nila na kami-kami lang at walang kasama kaya 'yon ang nangyari.

"Sinong gumagamit ng Spotify mo, Zander? Puro kay Taylor Swift, ha?" puna ni Carson habang nag-scroll down sa ipad, naka-connect 'yon sa sasakyan kaya may music kami.

Salitan ang pagda-drive ni Wyatt at Carson kaya sila ang nasa harap. Hindi ko nga alam kung paano kami nagkasya sa isang van, eh.

"Ay, nagtatanong ka pa? Hindi ba obvious na si Cia?" Natawa si Caleb.

Hindi naman kasi mahilig si Luther sa song, well oo dahil minsan nagpe-play rin siya no'n. At saka, puro kay Taylor Swift, Nicki Minaj, at Arianna Grande lang naman ang pini-play ko dahil ang mga songs nila ang gusto ko.

Hindi ko alam kung anong oras na kami bumabyahe basta kanina pa kami dito. At kanina pa rin ubos ang pagkain namin! Hindi pa kami umaalis kanina, eh, kumakain na sila ng mga binaon nila kaya ayan! Wala kaming pagkain.

"May tissue kayo d'yan?" biglaan tanong ni Wayne.

Napatingin silang lahat sa kaniya, nagtaka ako.

"Tangina, anong ginagawa mo d'yan sa likod?!" Pag-aakusa kaagad ni Carson.

Nagsalubong ang kilay ni Wayne hanggang sa may na-realised siya. "Putanginang utak 'yan, Carson! Wala akong ginagawang masama! Tumapon 'yong iniinom ko sa akin! Inang 'to."

Nagtawanan silang lahat.

"Hindi ako katulad ng iba d'yan, 'di ba Zander?"

"What the fuck?" muntik nang mabuga ni Luther ang iniinom niya. "Why was my name dragged into that conversation?"

Nagtawanan na naman sila.

"Come on, no one was clean in here. If I know, you are doing with—." 

"Fuck you, I am virg—." Tinakpan kaagad ni Chandler ang bibig ni Luther. "Fuck, ew!"

"Bro, may babae," malakas na tumawa si Leo.

"Shit," mura ni Luther bago ako lingunin. "Huwag mo silang pansinin," hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi ko naman talaga sila papansinin dahil hindi ko makuha ang mga sinasabi nila. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana kaso bigla akong nahilo sa pagtingin-tingin sa mga daan.

Nawala ang hilo ko nang kumain ako ng candy. Idagdag na ang naririnig kong tugtog mula sa likod. May gitara kasi si Frain kaya ayon, tumutugtog siya. Sinasabayan niya 'yong tugtog sa Spotify. 

"Oh, it's good to be true, If our hopes and dreams come true. Wish that I had more, Of this borrowed time. If only it would last a lifetime…" narinig ko ang boses ni Luther habang nakasandal ang ulo ko sa kaniya. Ang lamig ng boses niya, parang siya talaga 'yong kumanta ng Borrowed Time.

"Now that you've gone away. You seem so close, But you're miles and miles away…" lahat na sila ay kumakanta. 

"Oh, it's good to be true, If our hopes and dreams come true. Wish that I had more, Of this borrowed time, If only it would last a lifetime."

Para akong na-stuck sa mga taong may magagandang boses sa isang kwarto. Na para bang boses lang nila ang maririnig.

Hala, hindi ko ma-imagine na ang ganda ng boses nila. Heaven, tangina.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now