Chapter 37

10.2K 259 50
                                    

Chapter 37: Next Step

Cyienna / Ciara 

Tangina, alam na nilang lahat na nakatira kami ni Luther sa iisang condo! Wala na siyang nagawa kundi ang umamin.

Nagdecide kaming lumabas lahat para sa plaza makapag-usap! Gusto kasi nila ng paliwanag ko, eh. Sapat na dapat na wala akong bahay na matitirhan bilang sagot.

Kasama na nga rin pala namin sina Luke dahil nakasalubong namin sila sa plaza kanina. 

Nasa loob kami ng cotton candy shop at nakaupo kaming lahat sa isang malaking vacant table, pinagtabi-tabi nila 'yon para lang magkasya.

Nandito silang lahat except kay Lawrence na laging missing in action.

"Jusko, hindi talaga ako makapaniwala na… nasa isang condo lang kayo nakatira kaya pala nagmamadali palagi na umuwi 'to dahil may naghihintay pala sa kanya," sambit ni River.

Tumingin si Luke sa akin. "So, they knew already? I thought it was a secret."

"Wala, eh, nabuking kami, eh," sagot ko, napakamot pa ako sa noo. 

"Ayan, ah! Isa pala 'yan sa dahilan kung bakit ayaw mo na ihatid ka namin, 'yon pala… nakatira kayo sa iisang bubong! Pa-ayaw ayaw pa 'tong si Zander na makasama ka noon tapos ngayon… magkasama pala kayo sa condo niya! Mga traydor!"

Napairap nalang ako. "Sorry, ha? Ayaw kasi naming ipaalam." 

Baka kasi mamaya kung ano pa ang mangyari kung sakaling alam nilang lahat, pero ngayon wala ng sikreto dahil alam na talaga nila.

"Ah, Cia, alam mo na pala ang tungkol sa…" hindi matuloy ni Slade ang sasabihin.

Ay, 'yon ang organization. 

Tumingin sa akin sina Luke.

"Black Sicilian Organization," ako na ang nagtuloy ng balak sabihin ni Slade. "At kasama ang mga tatay niyo at hindi rin imposible na kasama kayo hindi ba?"

Hindi nila ako masagot. Naiintindihan ko naman 'yon, wala silang dapat ikatakot kung sakaling malaman ko na kabilang sila.

"We are part of that, that was the reason kung bakit gusto rin nila kami mag-take ng Politics para sundan ang ginagawa nila."

May dahilan nga talaga ang lahat ng nangyayari.

"Also… we are killing people," sambit ni Luke, hindi maitago ang takot at pag-aalala sa mata. "Like what Mafia members do, iyong basta basta nalang pumapatay lalo na kung kinakailangan talagang mamatay ng taong 'yon."

"Which made us think that we are bad, right?" si George. 

Pero ang sabi sa akin ni Tito, nagagawa nila 'yon dahil sa mga taong gusto rin sila mawala. 

"Then you guys are not bad," tanggi ko, nagulat pa sila sa fluent na pag-eenglish ko. Hindi yata sila sanay! “Sa iba siguro… oo dahil iniisip nila na masama kayo at ‘yong ginagawa niyo ang iniisip nila pero hindi nila nakikita ang totoong kayo, iyong totoong nilalaman ng puso niya, na totoong mabait kayo,” nginitian ko sila isa-isa at parang napatulala pa sila sa akin.

Pumalakpak ako ng dalawang beses at kanya-kanya silang kurap. Nagsi-iwas pa ng tingin. Napailing nalang ako sa mga kilos nila. Kinuha ko ang cotton candy sa kamay ni Luther nang kakainin na niya, napalingon siya sa akin. Binigyan ko rin naman siya.

“Na-touch ako! Pa-kiss nga!” Hinalikan ni Wyatt ang noo ko kaya pinagbabatukan siya ng lahat.

Si Luke hindi lang basta batok, sinipa pa niya si Wyatt. Nakanguso siyang umayos ng tayo para ayusin ang buhok niyang nagulo.

A Runaway Royalty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon