Chapter 44

10.2K 222 15
                                    

Chapter 44: Luke's ex

Cyienna / Ciara

Nagising ako dahil sa liwanag. Balak kong gumalaw kaso may nakayakap pala sa akin. Kinusot ko ang mata habang inaalis ang kamay ni Luther sa baywang ko.

Umalis ako sa kama para dumiretso sa bathroom. Mas malaki ang kwarto niya kumpara sa amin. Apo ba naman ng may ari, eh.

May nakita akong mga sabon na galing sa hotel kaya ginamit ko na, ang bango nga, eh. Pwede ko kaya 'tong iuwi? Nang matapos naghanap ako ng extra toothbrush at mabuti nalang ay mayroon! Tinapos ko na muna ang ginagawa bago lumabas habang nagpupunas ng mukha gamit ang towel.

Nakita kong tulog pa rin si Luther kaya naupo ako sa tabi niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang pogi!

"Nakakailang, it feels like a demon was staring at me," biglang sabi niya. Umayos siya nang higa, nakatingin na siya sa akin.

Napairap ako. "Grabe 'to, bumangon ka na nga. Gutom na ako," niyugyog ko siya pero hinawakan niya lang ang dalawang kamay ko.

"You want breakfast?" tanong niya, nakatitig sa akin. "I have food here."

"Huh? Nagpa-room service ka?" tanong ko.

Umiling siya. "I do mouthwash while you're inside the bathroom, so... I can kiss you. I'll give you the best breakfast." Hinila niya ako palapit, huli na nang maramdaman ko ang labi niya sa akin.

Napakurap ako pero kalaunan ay kaagad rin nakabawi. Hinila pa niya palapit sa kaniya. Nakahawak na siya panga ko para i-angat ang mukha ko. Ang lambot ng labi niya, nakakalasing halikan.

Napahawak ako sa kanya saka dinama ang bawat halik niya.

"Zander! Usong bumangon! Kasama mo ba si Cia?! Papasok ako ah—ay puta!" 

Naitulak ko siya nang marinig ang boses ni Carson. Napatayo pa ako saka nilingon si Carson na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa aming dalawa. 

"S-Sorry. Hala! Naistorbo ko ba kayo?" kaagaran siyang umalis.

"Isn't it fucking obvious?!" iritadong sambit ni Luther habang masama ang tingin kung saan lumabas si Carson. 

Tumingin siya sa akin pero nag-iwas lang ako ng tingin. Namumula pa dahil umandar na naman ang kaharutan ko. Umayos ako ng tayo saka patay malisya na parang walang nangyari.

"L-labas na ako... baka hinahanap na ako," kahit hindi pa niya ako nasasagot lumabas na ako ng kwarto niya.

Huminga ako nang malalim habang nakahawak sa dibdib. Napapikit pa ako. Bango ng bibig niya! Shit, ano kaya ang mouthwash niya? Nakakaadik ang amoy!

Muntik akong mahulog nang bumukas ang pinto dahil nakasandal ako, pero may humawak sa likod ko. Nag-angat ako ng tingin, si Luther!

Tumikhim ako bago umayos ng tayo.

"I thought you left me already," aniya, nakatingin sa akin.

"Uh, hindi, hinihintay kita," sagot ko at ngumiti sa kaniya. "Tara na, gutom na ako. Pero masarap naman ang appetizer ko kanina," pagbibiro ko, bahagya pang natawa.

Natawa rin siya sa sinabi ko. Tumingin pa muna siya sa akin bago hawakan ang kamay ko para maglakad. Alam kong gising na ang mga kaibigan namin kaya alam ko rin kung nasaan sila.

Nang makarating sa buffet place, nakita kong nakikipag-kwentuhan si Carson. Biglang tumikom ang bibig niya nang makita kaming dalawa ni Luther. Umayos kami ng lakad dalawa ni Luther. Huminto kami sa harap ng mga kaibigan namin.

"Balita ko masarap daw ang breakfast mo, Cia?" ngumisi si Wyatt. "Aray!" binato lang naman siya ni Luther ng kutsara'ng nadampot niya.

"Masarap ba?" nilingon ako ni Chandler, nakangisi.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now