Final Chapter

21.5K 492 239
                                    

Final Chapter

Cyienna

Kanina pa kami nasa Hospital. Nasa ER si Papa dahil 'yon ang utos ni Mama. Nasa labas naman kami, tapos na akong magamot. Nasa tabi ko sina Jillian.

"T-Teka, iyong katawan ni Audrey. Nakita niyo ba?" Tanong ko kina Lawrence.

Kumpleto silang lahat dito. Sina Tito Vazer inaasikaso 'yong isla para hanapin ang katawan ni Tita Klarisse at para na rin malinis ang mga kalat sa mansion.

Lumipat ang tingin ko sa likod nina Slade. Nandito na pala ang mga parents nila.

Tumango si George sa tanong ko. "Yeah, I saw it. She's... dead."

Napatingin sina Jillian sa kaniya.

"W-What? Why? Paanong nangyari 'yon?" Sunod sunod na tanong ni Eloisa. "At paanong nandoon siya?"

"Anak ni Ynigo Arlanza si Audrey, she was mad. Lahat ng nangyari sa inyo, kay Lawrence, Luther, at Luke. Plano niya na magkasira silang tatlo dahil anak sila ng taong pumatay sa Daddy niya which is si Ynigo Arlanza, hindi siya makaganti kina Tito Vazer, Tito Ian, at Papa kaya sina Luke ang ginantihan niya. At 'yon ay ang sirain ang pagkakaibigan nila," sambit ko na ikinatigil nila. "At ikaw naman, inuuto ka lang niya at nagpauto ka naman dahil sa pagkabaliw sa kapatid ko. At saka hindi ko lang inakala na... siya ang may dahilan kung bakit kami nagkita ni Luther."

Dapat ba akong magpasalamat kay Audrey? Ay, nakapag-thank you na nga pala ako sa kanya.

"My god... is this for real? All this time, aside kay Tita Klarisse, isa rin si Audrey na kalaban at kaya ka niya hate, because she knew that you're Tito Lane's daughter," si Rona.

Tumango ako. "Oo, at matagal na rin pala niya akong kilala." At hindi ko talaga inakala na... isa 'yon sa mga taong nagbabantay o nagmamanman sa kilos ko magmula nang pumunta ako dito sa Pilipinas.

Halata ang pagkabigla sa mukha nilang lahat. Nilingon ko si Luther na nakatingin sa akin bago ko tiningnan si Hyera. Hinawakan ko siya sa kamay. Nang sabihin ng Doctor na ayos lang sila, nakahinga ako nang maluwag. Nasa kwarto na siya kaya pwede na kaming bumisita. Pinauna ko na doon sina Luke at si Hyera.

"Uy, namumutla ka..." napansin ko kasi si Luther.

Tumigil ako sa tabi niya. Balak ko siyang hawakan pero tinabig niya ang kamay ko.

Nilingon niya ako. "I'm fine, go with your family now," aniya, bakas ang paghihirap sa boses niya.

"Hindi ka naman ayos," napatingin ako sa bandang kanan niya nang makitang may bahid ng dugo. "T-Teka... may tama ka ng baril... tatawag ako ng-."

"I said, I'm fine. I can go to the Doctor. Your Dad needs you. Go there now," huminga siya nang malalim. "Ano ba? I said go there."

Wala akong nagawa kundi ang sumunod dahil bakas sa boses niya na ayaw niya talaga ng tulong. Sinubukan ko pa siyang tulungan kaso ayaw niya talaga. Wala akong nagawa. Palihim akong tumawag ng Doctor at Nurse para i-assist siya.

Habang papasok sa kwarto, nakita ko naman si Tita Gretchen na aligagang lumapit sa kaniya.

Napapikit ako. Akala ko... okay kami... ang caring pa nga niya kanina tapos... ganito? Parang ayaw na niya talaga sa akin.

Huminga ako nang malalim bago nakangiting lumapit kina Mama. Nakisali ako sa kanila kahit na gustong-gusto kong puntahan si Luther. Nang mag-gabi, nalaman kong naka-admit siya kaya pasimple ko siyang pinuntahan.

Dahan-dahan akong pumasok. Natutulog siya! Mabuti naman.

"Alam mo... hindi ko naman talaga ginusto na magsinungaling sa'yo. At saka pinagkakatiwalaan naman kita, natatakot lang talaga ako noon. Takot kay Mama, takot na bumalik sa France dahil sa reponsibilidad ko. Takot akong umako ng responsibilidad bilang tagapagmana niya kaya ako tumkabo palayo kay Mama. Takot ako na baka kapag tinanggap ko na ang mga responsobilidad na 'yon... magkamali ako kaya mas pinili kong lumayo at magtago. At kaya ko rin tinago sa lahat at sa'yo kung sino ako dahil pinapangalagaan ko ang pangalan ko bilang anak ng Reyna. Hindi dahil ginusto ko," pinahid ko ang luha sa pisngi ko.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now