Chapter 35

10.3K 235 53
                                    

Chapter 35: Deserve

Cyienna / Ciara

Kanina pa kami narito sa hospital, gusto ko ng umuwi kaso hindi pa raw pwede. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin nila at bakit hindi pa ako pinapauwi ng Doctor.

May kinakain na rin akong pagkain na pinabigay daw mismo ni Tito Lane. Grabe nga, e, dahil ang dami nito. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong bigyan ng sandamakmak na pagkain ngayon! Dalawa lang naman kami ni Luther na kakain nito.

Actually, busog na kaming dalawa!

“I’m so curious, Tito Lane was so caring although he was caring with his son but this is different. He was so caring about you looks like you're his daughter,” sambit ni Luther nang maupo sa tabi ko. Kakatapos niya lang ligpitin ang mga pagkain.

“Baka gano’n lang talaga si Tito Lane,” sagot ko. “Baka gano’n niya lang i-treat ‘yong mga katulad kong maganda.”

“I guess so,” tanging nasabi niya, nakangiwi.

Parang labag pa sa loob niyang maganda ako, ah? Parang hindi ako crush at ginugusto.

Anyway, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kay Luke. Gusto kong malaman kung paano siya na-comatose, hindi ko maintindihan… hindi ako mapanatag hangga’t hindi ‘yon nalalaman.

At ‘yong tungkol kay Mama… gustong-gusto ko na malaman ang katotohanan. Gusto kong malaman kung may kapatid talaga ako dahil kung mayroon… sino siya at nasaan siya ngayon? Bakit hindi ko siya kasama? Bakit hindi ko naalala noon na may kapatid pala ako kung totoo nga na may naging anak pa si Mama bukod sa akin?

Hindi talaga ako mapakali! Ayaw ko namang bumalik sa France nang walang nalalaman tungkol sa father ko. Gusto ko alam ko na ang tungkol sa kaniya bago ko siya tanungin kung bakit hindi niya magawang sabihin sa akin.

“Wala ka talagang alam kung bakit na-coma si Luke?” tanong ko, tumingin ako kay Luther, may ginagawa siya sa phone niya. “Wala ba siyang nasasabi sa ‘yo?”

Tumigil siya saglit sa ginagawa. “Wala, Cia,” iling niya. “But one time when we were at their mansion, I accidentally heard him. He was weird. He was asking himself, looks like he's remembering something but he can't remember.”

Ano naman ‘yon? Napahinga nalang ako ng mabigat dahil alam kong wala akong sagot na makukuha bukod do’n. Tapos hindi pa rin ako maka-move on sa mga nalaman ko. Shocking pa rin na malaman na parte ng isang organization ang kinikilalang may malalaking posisyon sa bansa.

“Ah, Luther, may nangyari na bang Mafia War noon? Kasi ‘di, hindi naman mawawala ‘yon lalo na kung may sakim at pinapairal ang galit?” tanong ko, malay mo may naganap palang gano’n ‘di ba? Astig kaya ‘yon.

Nag-isip siya saglit bago ako sagutin.

“Yeah, it is. Ang nalaman ko noon, may isang mafia organization na nakalaban sina Dad. It was the most dangerous mafia war they had. Actually, marami silang kaibigan na… nawala dahil sa nangyari. The war started because of two things. Betrayal and love.”

Bakit naman may gano’n pa?

“Their one friend betrayed them because of stupid love according to my Mom… may nagkampihan dahil parehong nabulag sa pagmamahal may dalawa namang… nagkahiwalay dahil sa dalawang taong 'yon," sambit niya habang nakatingin sa akin.

“Hey… did I disturb you two?” Napalingon ako sa nagsalita.

Si Tita Gretchen. Nakahawak siya sa bag niya nang lumapit sa amin. Humalik si Luther sa noo niya bago naupo kung saan nakaupo si Luther kanina.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now