Chapter 40

10.4K 231 30
                                    

Chapter 40: Visitor

Jillian

Kanina pa gustong pakantahin si Ciara sa harap pero tumatanggi siya dahil kumakain pa raw siya. Naki-isa na ako sa mga pumipilit sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo. I want to hear her voice! Noong first time kong marinig ang maganda niyang boses, I was amazed. Hindi ko inakalang sobrang ganda ng boses niya.

Hindi ko lang alam kung bakit kasama niya ang apat na itlog na sina Luther. I drank my juice. Binalingan ko ng tingin si Rona nang maupo siya sa tabi ko.

"She's so pretty 'no?" she was pertaining to Ciara.

I nodded. "It is," sagot ko. "Kaya kanina noong pumasok siya, titig na titig ang lahat. She caught the whole scene, she deserves the scene."

Sinang-ayunan niya ang sinabi ko, dahil totoo naman talaga 'yon.

Umayos ako ng upo saka tinuon ang paningin sa harap.

My mouth formed an 'o' when Luther and Lawrence went straight on the instrument. They got the electric guitar, sinuot ni Luther ang isa habang tinetesting. I heard a familiar song as I realised it was 'That's What I Like' song.

Napatingin tuloy ang lahat sa kaniya, the song was perfect. Even Ciara who's preparing herself, napatitig siya kay Luther.

I smirked. In love na nga talaga 'to.

Nawala ang atensyon kay Luther nang tumugtog si Lawrence. He was playing 'To the Bone' using his electric guitar. Napatingin sa kaniya ang lahat. Damn these two, mga hindi marunong magpatalo.

Nagsimula na silang lahat para sa tutugtugin. Ciara asked what song she will sing today. Maraming nag-request kaya hindi niya alam kung ano.

Hanggang sa makapag-decide siya and it was requested by this people.

"I could have beer for breakfast. My sanity for lunch. Trying to get over how bad I want you so much. Innocence for dinner. Pour something in my cup... anything and everything just to fill me up..." she sang just like what they requested, her voice becoming cold.

"But nothing ever gets me high like this..." hinawakan ni Ciara ang microphone. "I pick my poison and it's you..."

After that, Luke started to play the drums while Luther was strumming his electric guitar, same with Lawrence. Samantalang, si George naman ang nag second tapped for the drums. The beat was timing her voice.

"Nothing could kill me like you do. You're going straight to my head. And I'm heading straight for the edge. I pick my poison and it's you..." I saw how Ciara held the microphone tightly when Luther smirked at her after looking at his side.

Nag-iwas naman ng tingin si Ciara at nagpatuloy. Nawala ang pamumula ng pisngi niya kaya ipinagpatuloy niya ang pagkanta. The whole crowd was loud, especially when Ciara sang Enchanted by Taylor Swift.

-

Cyienna / Ciara

Hindi ko inakalang marunong gumamit ng electric guitar sina Luther! Nagulat nalang ako ng tumugtog silang dalawa ni Lawrence. Ang galing, gagi!

Halos mamaos ako kanina dahil sa mga nirequest nila. Mabuti nalang at natapos na agad kaya nakabalik ako sa table para ulit kumain kaso nakaka-isang subo palang ako sa kutsara, sumulpot na agad si Rona at agad akong hinila.

Hinila nila ako para pumunta dito sa dance floor. Wala na kasi 'yong mga kasama ko. May kanya-kanya ng ginagawa. Pero niyaya nila ako kaso ayoko namang gumala, mas ginusto kong kumain.

"Ciara, let's dance!" Pumalakpak pa si Rona.

Ngumiti ako nang humarap si Jillian sa akin. Katulad ng sinabi ni Rona, sumayaw kami. Mamaya pa raw kasi dadating ang mga visitor. May paghahanda na ginagawa dahil halata nga na bigatin ang mga 'yon.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now