Chapter 48

10.4K 259 42
                                    

Chapter 48: The Truth II

Third Person

Everyone was shocked knowing Cyienna-more on-Ciara was a Princess. Labis ang gulat at hindi makapaniwala ang mga kaibigan niya dahil sa nalaman.

"What?!" Malakas ang boses ni Luke dahilan para mapalingon sa kaniya ang mga kaibigan. They are inside the room, hindi magawang kausapin nina Luther at ang iba si Ciara.

In Luther's mind... she lied to him. Paulit-ulit na dumadaloy sa isip niya ang nangyari kanina. From her name to what's really her. Hindi niya lubos inakalang nagsisinungaling ang babaeng mahal niya sa kaniya, sa kabila ng mga nagawa niya.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Tyson, ang kaibigan niya.

"Sinugod daw si Cia sa Hospital, someone shot her from afar. Nagkakagulo na daw sa quadrangle. I have to go." Mabilis niyang nilisan ang kwarto para puntahan ang dalaga.

Dahil sa ka-ilaliman ng puso niya, sobra siyang nag-aalala at alam niya na mismo sa sarili niya ang dahilan. Dahil alam na niya na kapatid niya ang dalaga.

Napatigil naman si Luther, walang pasabi, tumayo siya at lumabas para sundan ang kaibigan. Katulad ng sabi ni Luke, nakita niyang nagkakagulo sa buong quadrangle pero nakita niyang wala na doon ang sasakyan ng ina ni Cyienna.

Mabilis niyang narating ang hospital. Nakasunod sa kaniya ang mga kaibigan. Kaagaran niyang nakita ang mga tauhan ng ina ni Cyienna, duguan pa ang mga damit dahil sa pagdala sa dalaga.

Sa operating room ang punta niya dahil 'yon ang itinuro ng nurse sa front desk.

"Shit, is she okay?" Tanong ni Rona, hindi mahibsan ang pag-aaalala sa kanya.

Walang sumagot dahil lahat sila ay napatigil nang makita kung sino ang babaeng naghihintay sa operating room. Napatingin rin sa kanila ang ina ni Cyienna bago dumapo ang paningin kay Luke, lumambot ang tingin niya habang pinagmamasdan ang mukha ng binata.

"Luke," napalingon silang lahat sa nagsalita, it was Luke's father. "Ciena..." nakaawang ang labi niya sa gulat habang nakatingin kay Ciena.

Nakatingin ang lahat sa dalawa, naguguluhan kung bakit kilala ng ama ni Luke ang ina ni Cyienna.

"What are you doing here?" Matigas ang boses ni Ciena.

"I'm here for my daughter," seryoso ang boses ni Lane nang makabawi sa pagkagulat.

Nagulat ang lahat. Hindi nila alam ang sasabihin sa narinig. Nanatili ang tingin ni Lane kay Ciena.

"Daughter..." mahinang bulong ni Luther. "Luke, kapatid mo si Cia?" tanong ni Luther nang makuha ang mga nangyayari ngayon.

Tumingin si Luke sa kaniya bago tumingin kay Ciena. "Yes, I found out that I have a sister."

"How can you be so sure na anak mo ang anak ko?" Matigas ang boses ni Ciena nang magtanong kay Lane. Pero siya mismo, alam ang totoo. Kahit anong pilit niya na pagsisinungaling. . . kusang lumalabas ang totoo.

"You want a proof?" hamon ni Lane habang may kinukuha sa likod. "Here, the DNA, it's positive. And how cruel of you, ordering someone just to change the result."

Hindi makasagot si Ciena, suminghap siya. Malamig pa rin ang tingin niya kay Lane.

"But... kapatid mo talaga si Cia?" Paninigurado ni Carson.

"Yeah, kapatid ko nga siya. Hindi ko maalala dahil sa nangyari noon. I was comatose to the point that I forgot everything, from the fire in that house until someone got me. Until I forgot that I still have a sister."

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now