Chapter 8

13.7K 303 26
                                    

Chapter 8: Luther, Luke, and Lawrence.

Ciara/Cyienna

Kanina pa ako nasa likod ng school kung saan  nakatambak ang mga bagay na hindi kailangan. May mga gamit rin dito, at kanina pa rin ako tumitingin ng mga anik anik.

Wala naman akong balak pumasok sa klase. 'Yon naman ang gusto nila lalo na ni Lawrence at Luther.

"Eloisa Heaven Furrer." Basa ko sa isang id picture na nadampot ko drawer.

Saglit akong napatigil nang may maalalang pangalan na Eloisa! Wait, don't tell me ang babaeng nasa id picture na ito ay ang Eloisa?! Ang ganda.

Hindi ko naman ipagkakait na maganda siya dahil totoo 'yon. She's pretty, she looks like a doll. Simple ang mukha niya, but if you see the picture… She's wearing makeup. Kulot ang buhok niya at mahaba, she has a natural white skin, natural color black eye and has natural red cupid bow shaped lips.

Amputa kaya naman pala nakabinggwit ng tatlo kasi may gandang ipapakita. Pero maganda rin ako, ano.

"In fairness, maganda ka." Sabi ko habang tinitingnan ang id. "Pero mas maganda pa rin ako, pangit naman kung ida-down ko sarili ko?" Natawa ako sa sarili bago binalik ang id sa pinagkunan.

Napaisip naman ako tungkol sa Eloisa na 'to. Gusto kong malaman ang tungkol sa kanya at kina Luke, like paano naman humantong sa point na naging boyfriend ng babaeng ang tatlong L.

Yes, tatlong L.

Luther.

Luke.

Lawrence.

Angas favourite ni Eloisa ang lalaki na ang first letter ng name ay L. Ibang klase… iyong ex-boyfriend ko L din ang first name kaso sa C nabaliw. Sa Cyienna Calixta lang nabaliw.

Teka nga bakit ba pumasok pa sa isip ko 'yon?

"Ciara…" Napalingon ako sa likod ko.

Si Luke.

"'Oy, Luke." Sabi ko bago bitawan ang mga hawak kong pictures. Hindi ko pa nga nakikita, e, tapos sumulpot agad siya?

"Hey, what are you doing here?" Tanong ni Luke, nakatayo siya hindi kalayuan sa akin.

Kinuha ko ang bag ko sa table bago siya lapitan. "Nagpapalipas ng oras." Dumiretso na lang ako sa kahoy na upuan dahil wala nga pala akong balak pumasok ngayon sa klase.

"But you have classes." Kinuha niya rin ang silya sa tabi ko para maupo.

Dumukot ako ng candy sa bulsa.

"Ikaw rin 'di ba? May klase ka rin, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang inaalisan ng balat ang candy ko.

"I already know the lesson, so I don't need to listen. That was basic." Sana all nadadalian sa lesson. "And you, you should listen to the Teacher, transferee ka."

"Sus, basic lang rin 'yon. Alam ko na 'yon, isang tingin lang… alam ko na agad." Pero biro lang syempre, hindi ko 'yon kaya.

"Okay, then, I'll just believe you." Ang pogi naman niyang ngumiti. Ang simple pero dama mo dahil totoong ngiti talaga.

"Ah, nga pala… ano nga pala ang buong pangalan mo?" Tanong ko, curious ako kung ano.

Luke lang kasi ang alam ko.

"Luke Florenz Clemier." Sagot niya, tumingin siya ng diretso. "Why are you asking?"

Umiling ako. "Wala lang, may Facebook ka rin ba?" Itotodo ko na 'to. Wala nang hiya hiya 'to, lods.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now